SOLVED na ang problema ni Chairman & Administrator Roberto V. Garcia sa paghahanap ng mga potential investor ng malalawak na lupaing pagtatayuan ng negosyo sa Subic Bay Freeport.
Ito Ang Totoo: dati kapag may investor na naghanap ng, halimbawa 300 ektaryang lawak ng lupain, wala nang maialok ang SBMA.
Ngayon, may mahigit 10 libong ektaryang lupaing maiaalok na ang SBMA, salamat sa pamahalaan ng San Antonio, Zambales.
Naaayon sa Executive Orders 532 at 675, nagpasa ng resolusyon ang pamahalaan ng San Antonio, Zambales na nagtatalaga sa lupain sa baybaying bahagi nito na mapaloob sa Freeport sa pamamahala ng SBMA.
Ang naturang lupain ay nasa kabilang ibayo ng Subic Bay pero halos nasa likod lamang ng Hanjin Shipyard. Iprinisinta na ni Mayor Estela Antipolo, kasama ang konse-ho na pinamumunuan ni Vice Mayor Lugil Ragadio, ang nasabing reso-lusyon kay Chairman Garcia sa SBMA board room kung saan meron pang seremonya, patunay sa mainit na pagtanggap sa hakbang ng bayan ng San Antonio.
Naroon din sina SBMA Legal Officer at Deputy Administrator Randy Escolango, Carlito Faustino ng Land & Asset Dept. at iba pang SBMA officials.
Ito Ang Totoo: “good news” ito bilang “icing” sa paglago ng “com-mitted investments” sa freeport sa taong 2013 na P24B, mula P2.3B noong 2012 o halos 1,000% increase kahit hindi pa tapos ang taon.
Isa pang magandang balita sa Subic Freeport ay ang “Night Safari” ng Zoobic Safari.
Bukod sa araw, maaari na ring
maranasan sa gabi ang animo’y pa-mamasyal sa gubat na may mga leon, tigre, buwaya, sari-saring ibon at iba pang mga “wild” na hayop at mga palabas na gumigising sa pangangailangang pangalagaan ang kalikasan para sa kinabukasan.
Ang Zoobic Safari ay isang atraksiyon sa Subic Freeport na hindi dapat palampasin ng mga lokal at dayuhang turista. Ito Ang Totoo!
***
“Because of your support, SBMA has already on its table a committed investment amounting to P24 billion compared to P2.3 billion for the year 2012, or an increase of 931.4 percent, with three months more to go this year,” ani Garcia.
The post MAGANDANG BALITA SA SUBIC FREEPORT appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment