MATAPOS ang mahaba-habang panahon na pananahimik sanhi ng pansamantalang retirement sa Senado, mainit na namang napag-uusapan si ex-Sen. Ping Lacson.
Sumirit muli ang kasikatan ng dating mambabatas matapos itong italaga ni Pangulong Aquino bilang ‘rehab czar’ ng mga lugar na sinira ni super typhoon Yolanda.
Hindi nagkamali si PNoy sa pagpili sa Cavite solon.
Maisasakatuparan ni Lacson ang kanyang bagong trabaho with flying colors. Tiyak ‘yan!
Kung bakit?
Dahil, siya’y matinong opisyal na ‘di galit sa pera.
Sa madali’t sabi, nais lang ni Lacson na magsilbi at trabaho lang talaga ang hanap.
Subok na subok na natin si Lacson.
Siya lamang ang mambabatas na sa maraming taon na pagiging senador ay ‘di kumuha ng pork barrel.
Kaya nakasisiguro tayo na ang pondo na aabot ng daang bilyones para sa rehabilitasyon ng sinalanta ni Yolanda ay makararating sa pinaglaanan.
APEKTADO SI MAR?
Sa pagkakatalaga ng Pangulo kay Lacson bilang rehab czar ng Yolanda ruins, marami ang humuhula na ito’y makaaapekto kay DILG Sec. Mar Roxas.
‘Di lingid sa ating kaalaman na may plano ang SILG sa 2016 pero dahil sa appointment ni Lacson, aminin natin na baka mabago ang ihip ng hangin pagdating ng panahon.
Baka kasi imbes na “Mar Roxas for president”, baka mapalitan ng “Panfilo Lacson for president” come 2016.
‘Di malayong mangyari!
PAGING GEN. GATCHALIAN
Muli nating tinatawagan ng pansin si R4-A director C/Supt. Jess Gatchalian hinggil sa inirereklamong ‘mini-casino’ sa El Paso cockpit sa Nasugbu.
Take note, general, ginagamit pa ang pangalan mo sa operasyon ng sakla sa nasabing sabungan na minamantine nina Willy Mendoza at Jermone King.
Para gamitin ang pangalan mo ng dalawang mamang ito na parehong nakasukbit pa raw ang baril, aba’y magsususpetsa ang madla kung ika’y walang aksiyon.
Dapat ay mapasara ang sakla at iba pang sugalan sa sabungan na ‘yan.
Naniniwala naman tayo na action man si general kaya aasahan natin ang kanyang aksiyon. Subaybayan natin!
The post LACSON, ROXAS AT GEN. GATCHALIAN appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment