EXCITED ang actress na si Bea Alonzo ’cause finally back to serye na ang beauty niya dahil magkakaroon na raw siya ng bagong soap sa kanyang mother studio ngunit hindi pa raw niya alam ang mga final na makakasama niya pero may mga ikinunsidera na rito. ‘Yun nga lang, hindi raw siya sigurado kung mag-aayon ang schedule ng mga ito.
Bungad pa niya, “Isa siyang soap na na-excite ako because… parang ang tagal ko na ring hindi nakagagawa ng ganitong ano… ganitong panlasa. Ano ba tawag nu’n? Ganitong feel ng soap. ‘Yung last ko was Maging Sino Ka Man parang ganung feel”
Ang Maging Sino Ka Man ay isang teleserye na umere sa ABS-CBN noong October 2006 kung saan nakatambal niya si John Lloyd Cruz.
Paano ba ang tema nito kumpara sa mga nagawa na niyang mga soap?
“Hindi pa pwede sabihin kasi hindi pa kami nag-start pero medyo mabigat ‘yung magiging character ko rito na dapat nilang abangan early next year 2014!” sey pa niya.
Dahil puro mainstream films ang mga nagawa niyang pelikula, balak din ba niyang gumawa ng isang indie film katulad ng aktres na si Angelica Panganiban na nanalo recently bilang best actress.
“Oo naman. Gusto ko ring masubukang gumawa ng isang indie film. Actually, merong mga nag-aalok kaya lang, meron din akong mga kinu-consider pero magtatanong muna ako sa ABS kung puwede na,” dagdag pa niya.
###
BALIK showbiz ang guwapong indie actor na si Raymond Cabral. Halos tatlong taon din siyang nawala sa sirkulasyon ng entertainment ngunit sa pangalawang pagkakataon, nais ni Raymond na mabigyan uli siya ng puwang para pumalaot sa mundo ng showbiz dahil first love raw niya talaga ang pag-arte.
“Ang pag-arte po talaga ang na-miss ko noong nawala po ako. Ganun pala talaga ‘pag gusto mo ang ginagawa mo tulad ng pag-arte, babalik-balikan mo kasi hinahanap mo siya!” sey niya.
Halos kasabayan niya noon ang aktor na si Coco Martin sa larangan ng mga indie film ngunit ngayon, isa na sa mga popular actor ito. Sa palagay ba niya kung hindi siya umalis noon, (3 years ago) pwedeng siya ang naging rival ni Coco sa mga indie actor? “Rivals siguro. Nauna naman kasi ng mga 3 years sa indie si Coco bago po ako pumasok,” sabi pa niya.
Any project? “Eto po nagsimula na po akong mag-taping ng Annaliza. Sana po subaybayan natin araw-araw dahil madalas n’yo po akong makikita roon bilang kanang kamay ni Lazaro (Patrick Garcia),” dugtong pa niya.
Matatandaang pinakilala noon si Raymond sa indie films na Tutok, Baklas, Tanglaw at Tarima.
###
FINALLY the much-awaited political drama Ang Misis ni Meyor ay malapit n’yo ng mapanood. Please come & watch its grand premiere night this coming Dec. 11, 2013, 9PM at SM Megamall cinema 9. It stars international actress MARIFE Necesito, Marco Morales, Julio Diaz, Joem Bascon, Bong Cabrera, Angelina Kanapi, Johnron Tanada and Maria Isabel Lopez sa panulat at direksyon ni Archie del Mundo. The regular showing is on Dec. 18, 2013. Kaya sana suportahan natin ang mga ganitong klaseng pelikula na may kalidad at napapanahon. Please block your calendar on the said date. See you there Kapamilya, Kapuso at Kapatid.
The post Excited sa bagong project! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment