Saturday, December 28, 2013

Pinakamahabang daan

Disyembre 28, 1795 nang sinimulan ang konstruksiyon sa Yonge Street ng Canada—na minsang tinaguriang pinakamahabang daan. May habang 1,896 kilometro (o 1,178 milya), ang kalsada ay tumatawid sa iba’t ibang bayan at lungsod, cottage country, at wilderness, mula northern Ontario hanggang Rainy River sa U.S.-Canada border. Ang daan ay ipinangalan kay Sir George Yonge, kaibigan ng unang colonial administrator ng Ontario.



Ang kalsada ay pinangarap ng unang gobernador ng Upper Canada na si John Graves Simcoe, na maging military at commercial road na nag-uugnay sa Lakes Ontario at Huron. Sa kabuuan ng kasaysayan, binuksan nito ang mga lupain para sa settlement at mas maraming oportunidad sa kalakalan.


Ang Yonge Street ang World’s Longest Street ng Guinness hanggang 1998.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pinakamahabang daan


No comments:

Post a Comment