Saturday, December 28, 2013

MINAMANIPULA ANG DAAN-DAANG KONTRATA SA BIDDING

johnny_magalona103 PAHAPYAW nating silipin muli ang malawakang ginagawang ‘anomalya’ ng JD Legaspi Construction Corp.


Nakapagtataka kung bakit napakabilis nitong makakuha ng daan-daang milyong pisong mga kontrata mula sa Department of Public Works and Highways.


Bakit nga ba patuloy na nabibigyan ng daan-daang milyong pisong proyekto ang JD Legaspi Construction Corp. ganong napakaraming proyekto itong hindi natatapos?


Ang isa siguro sa mga dahilan ay ang malawak na koneksyon sa DPWH ng kompanyang ito kaya nakakukuha agad-agad ng daan-daang milyong pisong kontrata sa DPWH kapag naisalang na sa bulwagan ng Bids and Award Committee (BAC).

Ayon sa source, nakakukuha kaagad ng malaking mga kontrata sa DPWH ang JD Legaspi Construction Corp., dahil sa mabilis na nasisilip nito kung sino-sino ang mga highest bidder dahil sa umano’y mga pakawala o bayarang tao nito sa loob mismo ng tanggapan ng BAC.

Kaya naman mabilis na namamanipula ng kompanyang ito ang bidding award at madali nilang naibaba sa mas mababang presyo ang kanilang bidding.

Bukod sa mga pakawala o bayaran ay mayroon din umanong mga binibigyan ng lingguhang ‘payola’ ang naturang kontraktor sa loob ng tanggapan ng DPWH at BAC.


Itutuloy natin ang iba pang mga anomalya ng JD Legaspi Construction.


UNTOUCHABLE NGA BA SI KONSEHAL?

PATULOY pa rin ang operasyon na puwesto pijong saklaan ni Kon. Berting sa Alfonso.


Hindi kumikilos si Cavite PD/Supt. Joselito Esquivel para masugpo ang lantarang saklaan ni Kap. Berting sa Alfonso.


Maging si Maj. Romulo Demaya, hepe ng Alfonso, ay inutil.

Anomang reklamo o puna ay

i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.


The post MINAMANIPULA ANG DAAN-DAANG KONTRATA SA BIDDING appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



MINAMANIPULA ANG DAAN-DAANG KONTRATA SA BIDDING


No comments:

Post a Comment