Nahaharap agad sa matinding pagsubok ang Sinag Pilipinas sa pagsagupa sa kinukonsiderang matinding kalaban na Singapore sa men’s basketball habang makakatapat ng Perlas Pilipinas ang karibal na Malaysia sa pagsabak ng mga koponan sa Disyembre 9 sa 27th Southeast Asian Games sa Nay Pyi Taw sa Myanmar.
“Singapore has suddenly become a big threat,” sinabi ni Josh Reyes, assistant coach ng Gilas at Sinag Pilipinas sa lingguhang Philippine Sportswriters Association (PSA) forum sa Shakey’s Malate kung saan nakasama nito sina Samahang
Basketbol ng Pilipinas director Bernie Atienza, Heidi Ong, Cynthia Tiu, Jhoann Grajales, Own Arayi, Kevin Alas at Matt Genuelas.
Nakatuon ang kababaihan na tuluyang maiuwi ang unang gintong medalya sapul nang lumahok sa torneo habang pilit na pananatiliin ng men’s basketball team na kubrahin ang lahat ng gintong medalya sa torneo, maliban noong 1989.
“We are expecting no less than the gold,” pahayag ni Kevin Alas, siyang team captain ng Sinag na binubuo din nina Kevin Ferrer, Marcus Douthit, Matt Ganuelas, Ronald Pascual, Garvo Lanete, Elvin Jake Pascual, Jericho Cruz, Bobby Ray Parks Jr., Kiefer Ravena, Prince Caparal at Rey Mark Belo. Gayunman, ikinababahala nina Reyes at Alas ang pagkakadagdag sa Singapore ng matatangkad at beterano sa iba’t ibang torneo na si 7-foot-2 Russel Lowe at Hong Wei Jin.
“We only have Marcus (Douthit) who is 6-foot-9, so we will really have a big challenge,” pahayag ni Reyes. ‘Other than Singapore, other treat for us is Thailand and Malaysia.”
Unang sasagupain ng Sinag ang Singapore sa Disyembre 9, sunod ang Cambodia sa Disyembre 10, ang Myanmar sa 12, ang Thailand sa 13, ang Indonesia sa 14 at pinakahuli ang Malaysia sa 15.
“We will lean on our experience in the FIBA Asia Women’s Championships,” ayon naman kay Ong, kung saan tumapos ang koponan sa ikalimang puwesto upang manatili sa pinakamababang grupo.
Ang koponan ay binubuo nina Arayi at Grajales, kasama sina Mary Joy Galicia, Chovi Borja, Camille Sambile, Melissa Jacob, Analyn Almazan, Bernadette Mercado, Angeli Jo Gloriani, Cindy Resultay, Cassandra Noel Tioseco at si Denise Patricia Tiu.
- Angie Oredo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment