Wednesday, December 4, 2013

Pag-take-over sa PTV4 pinigil ng CA

TULUYAN nang pinigil ng Court of Appeals ang desisyon laban sa pagtake-over o pagkumpiska ng antenna tower ng People’s Television Network Incorporated.


Ito ay makaraang pagtibayin ng Court of Appeals 7th Division ang naunang resolusyon pabor sa petition for review na inihain ng PTV4 na nagsasabing nagkamali ang Pasig City Regional Trial Court Branch 153 nang atasan ang sheriff ng korte na i-take-over ang antenna tower ng nasabing TV Network.


Sa resolusyon ay ibinasura ng CA ang motion for reconsideration ng New Vision in Media Marketing, Inc. o NVMMI dahil wala raw itong bagong argumento na iprinisinta sa kanilang mosyon.


Partikular na binawalan ng CA ang pagpapatupad ng writ of execution at notice of levy na ipinalabas ng Pasig RTC noong January 25, 2013 pabor sa NVMMI.


Kinasuhan ng NVMMI ang PTV4 dahil sa P13.9 million na pagkakautang ng himpilan sa kanila.


Ayon sa CA, ang pagsasailalim sa levy at execution sale ng transmitter tower ng PTV 4 ay paglabag sa kanilang consolidated compromise agreement na nagdedetalye kung paano matutugunan ng PTV4 ang kanilang pagkakautang sa NVMMI.


Bukod dito, nabalewala rin ng Pasig RTC sa kanilang desisyon ang requirement ng Commission on Audit kaugnay sa pagsubasta sa mga property ng gobyerno.


The post Pag-take-over sa PTV4 pinigil ng CA appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Pag-take-over sa PTV4 pinigil ng CA


No comments:

Post a Comment