Nitong mga huling araw, nagkaroon tayo ng ilang idea kung ano ang kahihinatnan ng ating career o ng estado ng ating trabaho sa susunod na taon. Tulad ng nabanggit na, kung hindi umuunlad ang iyong career, napapanahon na
upang lumipat ng ibang larangan. Kung pakiramdam mo naman na walang halaga sa kumpanya ang iyong pagsisikap, dapat ka nang gumawa ng paraan upang ibayuhin ang iyong husay at magpamalas ng kakaibang performance.
Narito ang huling bahagi ng ating paksa tungkol sa ilang katanungan na maaari mong pagisipan tungkol sa kumpanyang iyong pinaglilingkuran, sa iyong mga kasama sa trabaho, at ang iyong plano sa susunod na taon:
- May natututuhan ba akong bago na lumalapat sa bilis ng pagbabago ng daigdig? – unang narinig ko ang tanong na ito sa aking amiga na lumipat ng departamento sa korporasyong aming pinaglilingkuran. Pakiramdam niya kasi nabobobo na siya sa departamentong iyon dahil hindi nadadagdagan ang kanyang talino. Para na raw siyang robot. Ito na rin ang madalas kong itinatanong sa aking sarili.
Sa totoo lang, sa isang mabilis na daigdig, ang pinakamapanganib para sa career ninuman ay ang pakiramdam na para kang estatwa na hindi na maaaring matuto pa, na wala ka nang challenge, na para ka nang wala nang pagasang umunlad. Kung iyan ang pakiramdam mo, isang matinding hudyat na iyon na kailangan mo nang gumawa ng pagbabago.
- Kumikita ba ako? Tama lang ba ang aking suweldo? – Marahil ito na ang pinakamalalang dahilan upang lumipat ng kumpanya. Sa aking mga kaibigan at kakilala na nagbitiw sa tungkulin at lumipat ng ibang kumpanya, walang koneksiyon ang halaga ng suweldo laki at ang pagiging masaya sa trabaho. May mga bagay talaga na hindi mabibili ng pera – at ang kasiyahan sa trabaho ang isa sa mga iyon.
Nawa’y makamit mo ang lahat ng iyong minimithi sa ilalim ng Christmas tree at sa iyong paghahanapbuhay sa susunod na taon.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment