Wednesday, December 18, 2013

PAGSASAMANTALA SA KALSADA AT MATINDING KORAPSYON

_benny antiporda DATI-RATI, happy sa pamamasko ang mga pulis at traffic enforcer sa mga politiko mula sa mga konsehal at mayor ng mga bayan at lungsod hanggang sa mga kongresman, gobernador at senador at iba pang matataas na opisyal ng gobyerno na sumasali sa pulitika. Ngunit simula nang mawala ang pork barrel ng mga mambabatas na nakasama rin sa bulsa ng iba pang mga opisyal ng pamahalaan, ang mga ekstra na kita ng mga nasabing alagad ng batas ay nabura o labis ding nabawasan. Kaya naman, pawang kakapalan ng mukha ang ipinakikita ng mga alagad ng batas sa paglalabas ng kanilang mga sungay sa mga mamamayan.


‘Yun bang === kapansin-pansin ang pamamasko ng mga ito sa mga bahay at opisina ng nakikita nilang may mga sasakyan, pribado man o pampubliko. Kaiba pa ang pangongotong ng mga ito sa araw ng kanilang birthday at iba pang okasyon nila o ang kanilang mga pamilya, kamatayan ng kamag-anak nila, okasyon at quota ng kanilang mga bossing at marami pang iba.


KORAPSYON

Hindi ba maituturing na korapsyon ang mga nasabing pamamasko, bukod pa ang ibang pamemera ng mga ito gaya ng nabanggit sa itaas? Bukod sa pagkakaroon ng kulay kriminal na gawain ng mga ito, mayroon ding tahimik na banta ng mga hinayupak na iskalawag na pulis at traffic enforcer sa mga may sasakyan.


‘Yun bang === laging paghuhulihin nila ang mga sasakyan sa ligal at iligal na pangongotong upang maperhuwisyo ang mga may sasakyan at driver na rin ng mga ito…kung hindi magbibigay ang huli ng tongpats.


PAMBABANGKETA

Sa gawaing pambabangketa, diretso sa bulsa ng mga pulis at traffic enforcer ang tongpats. Sa pambabangketa kasi, mga Bro, walang tiket na ginagamit kundi ang palad lang na handang tumanggap ng mas mababa na halaga kaysa sa multa sa “kunwari” ay paglabag sa mga ordinansa o batas sa trapiko.


May mga makakapal ang mukha na kanya-kanya ang kilos o diskarte. Mayroon namang grupo at hindi kuntento ang mga animal na para sa isang tao lang ang iaabot ng driver o operator ng mga sasakyan.


“Eh, dalawa, tatlo, apat, lima, anim kami. Paano ‘yan?” ang drama ng mga ito.


MGA BOSING AT KASABWAT

Wala nang ginawa ang maraming opisyal ng bayan kundi gumawa ng mga batas, ordinansa o patakaran para gawing gatasan ang mga may sasakyan.

Naririyan ang mga doble, triple, kuwadruplet at iba pa na pagpapataw ng mga violation sa traffic. Tinatadtad ng violation ang mga driver o operator driver upang kumita nang todo ang mga munisipyo, lungsod at iba pang ahensya ng pamahalaan na minamanduhang magpalakad ng trapiko.


Kaya naman, kung sisilipin ang kita ng mga lokal na pamahalaan at kaukulang opisina sa trapiko, ang mga multa ang kabilang sa mga pinakamalaking bulto ng kita ng mga ito. Nabubundat ang mga opisyal ng pamahalaan sa sistemang ito ngunit may krisis naman sa buhay ng kanilang mga biktima.


QUOTA O UTOS NI BOSS

Labis na inaabuso ng mga boss at tauhan ang mga motorista sa pamamagitan ng sistemang quota. Sa sistemang ito, mga Bro, minamanduhan ng mga bossing ang kanilang mga tauhan na manghuli nang manghuli sa anomang dahilan.


Minimum na tatlo hanggang 10 na huli ang iniuutos ng mga korap at gagong bossing na isagawa ng tao nila sa kalsada. Kung hindi maabot ng kanilang mga tauhan ang mga quota na ito, pinagagalitan ang mga ito, binabantaang tatanggalin sa puwesto, sinususpinde at iba pang anyo ng harassment. Ganito katindi ang kalokohan ng mga hinayupak na mga bossing.


Kaya napipilitang sumunod, maging ang mga may konsensya na mga alagad ng batas sa lansangan.

PINAPATAY NG RIDING IN TANDEM

Para sa mga driver o operator ng mga maliliit na sasakyan gaya ng traysikel at jeepney, gutom at labis na paghihirap ang ibinubunga ng korapsyon at pagsasamantala ng mga taong pamahalaan. Kaya hindi nakapagtataka na may mga pinapatay na traffic enforcer at pulis.


May mga bumibisita mismo sa kanilang mga bahay na may dalang tingga. Pero karamihan sa mga ito ang tinotodas na lang ng mga riding in tandem.

Pero hindi nadadamay o bibihirang may napapatay na mga bossing dahil takot namang magpakita ang mga ito sa lansangan. Takot dahil sila ang pangunahing pagbabalingan ng galit ng mga biktima ng kanilang korapsyon at iba pang uri ng pagsasamantala.


MERRY ANG CHRISTMAS

Hindi basta matatanggihan ng mga motorista at operator ng mga sasakyan ang pangongotong, este, pamamasko ng mga taong pamahalaan. Kaya merry ang Christmas ng mga hinayupak na ito. Pero hindi naman happy ang mga biktima ng mga ito. Lalo ngayon na sobrang mahal ang petrolyo at piyesa ng mga sasakyan na dahilan ng pagkalugi ng negosyo sa transportasyon.


Wala na ngang pakialam ang mga taong gobyerno sa mga problema ng mga motorista, sumasalakay pa ang mga ito na mas gutom pa sa mga baboy at buwaya.


NAGKAKANDAHETOT-HETOT

Kaya naman, walang nangyayari sa mahal kong Pinas. Kung may nangyayari man, nagkakandahetot-hetot ang buhay ng mga motorista at iba pang mamamayan na nabubuhay sa lansangan.


Mga hinayupak kayong buwaya at baboy!


oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa www.remate.ph o i-text sa 09214303333.


The post PAGSASAMANTALA SA KALSADA AT MATINDING KORAPSYON appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



PAGSASAMANTALA SA KALSADA AT MATINDING KORAPSYON


No comments:

Post a Comment