Wednesday, December 18, 2013

DAHILAN NG PAGBABAGO

To have the heart glow with mutual Love is vastly better than to glare with The most pompous titles, offices or powers.


Iyan ay magandang paliwanag tungkol sa pag-ibig. Iba ang pakiramdam. Iba ang sigla sa lahat ng Gawain. Iba ang saloobin at pananaw ng taong umiibig.



Narito ang isang istorya kay Jun Jun. Isang taon siya tumigil ng pagaaral sa kolehiyo. Magtatapos na siya noon ng kursong Civil Engineering. May lumipat sa tabi ng apartment nina Jun Jun na isang pamilya na modelong-modelo. Nalaman nila ito pagkatapos ng isang buwan na pagmamasid.


Sa loob ng maikling panahong iyon ay kaylaki ng pagbabago ni Jun Jun.


Walang kamalay-malay na nagkikita sina Jun Jun at Nikka sa labas ng bahay. Pinupuntahan ni Jun Jun sa paaralan si Nikka. Nang dumating ang susunod na semester ay ganoon na lamang ang tuwa ng mga magulang ni Jun Jun. Ipinakita sa kanila ang mga subjects na kanyang kukunin. Ipinakita sa kanila ang mga babayaran.


Pilit tinuklas ng ama at ina ni Jun Jun ang dahilan ng pagbabago ng anak. Dumaan ang mga buwan. Magtatapos na si Jun Jun noon. Naospital ang binata nang operahan ito sa apendiks. Kinabukasan, pagkatapos ng opera, ay dumalaw sa ospital si Nikka. May dala itong fried chicken, ang paborito ni Jun Jun.


Ganoon na lamang ang pagkagulat ng mga magulang ni Jun Jun wala silang kaalam-alam ay magnobyo na pala ang dalawa. Ang ikinatuwa ng magulang ni Nikka ay ang katamaran, katarayan at pagbabarkada ng dalaga ay nahalinhinan ng kabaitan, kasipagan sa gawaing-bahay at pagaaral.


Dahil sa pag-ibig nagbago ang dalawa, purihin ang Diyos.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



DAHILAN NG PAGBABAGO


No comments:

Post a Comment