SA totoo lang, hindi natin kailangan ang maraming pera para maging masaya. Ang madalas lang naman na conflict ay kung walang pera at maraming isipin na problema pero kung gugustuhin nating maging masaya, may paraan naman, lalo ngayong Kapaskuhan.
Ito ang prinsipyong pinaiiral ng local government unit ng QC. Sa kabila ng malawakang panawagan na huwag nang magdaos ng Christmas party, pinipilit naman ng liderato ni Mayor Bistek Bautista at Vice Mayor Joy Belmonte na huwag mawala ang diwa ng Pasko para sa mga residente.
Nakita n’yo naman ang naggagandahang mga ilaw sa city hall at sa QC Circle, nakaaangat talaga ng puso at nagpapasaya. Malaki ba ang perang ginastos dito? Ang balita ko ay nag-ambag-ambagan ang mga residente na may kakayahan. Hindi rin nawala ang pamaskong handog ni mayor.
Oo at wala nang mga party, pero hindi ibig sabihin na hindi pasasayahin sa araw ng Pasko ang mga residente. Naiintindihan din ng QC ang kalagayan ng mga kababayan natin sa mga lugar na nasalanta ng bagyong Yolanda at lindol. Sila na nawalan ng lahat ng ari-arian at namatayan, paano nga naman sila sasaya ngayon?
Pero, isa ang lokal na pamahalaang QC sa mga unang dumamay sa mga nasalanta.
Nagkaloob si Mayor Bistek at VM Belmonte ng tulong na P50 milyon sa mga biktima. Sana manawari ay makarating at makapagpasaya ang ambag na perang ito ng mga taga-Quezon City.
Hindi ito ang unang pagdamay ng QC sa mga Pinoy na biktima ng mga kalamidad. Noon pa man, saanman may nangangailangan, una sa pila ang QC sa mga bayan na handang mag-ambag ng tulong.
Mahalaga sa QC ang masayang pamayanan, at ito ang nagtulak kay Mayor Bistek ay Vice Mayor Joy na ipilit ang “sprit of Christmas holiday” sa buong lungsod. Kaya naman natin, kung gugustuhin.
Mas makatutulong tayo sa mga nalulumbay kung hindi lang natin dadamayan kundi isasama pa sa ating pagsasaya. Konting bagay, magagandang ilaw, konting ambag sa mga naghihirap na kababayan, ayos naman.
Ang mahalaga, nagsisikap ang pamahalaan na tayo ay mapasaya.
The post IPILIT appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment