Saturday, December 28, 2013

2 arestado sa buy-bust

CAMP MACABULOS, Tarlac City – Matagumpay na isinagawa ng pulisya ang buy-bust operation sa Barangay San Vicente, Tarlac City, at nalambat ang dalawang hinihinalang pusher na pinaniniwalaang kumikilos sa mga subdibisyon at kalapit pang lugar.



Pinangunahan ni Senior Insp. Mark Lester Eteroza, hepe ng Provincial Special Operations Group (PSOG), ang pag-aresto kina Christopher De Vera, 38; at Johnny Reyes, 33, kapwa residente ng Block 3, Barangay San Vicente, Tarlac City.


Nakuha sa posisyon ni De Vera ang isang transparent plastic sachet na may hindi pa tiyak na gramo ng hinihinalang shabu at P500 marked money at cell phone na gamit umano sa transaksiyon. – Leandro Alborote


.. Continue: Balita.net.ph (source)



2 arestado sa buy-bust


No comments:

Post a Comment