Ni Reggee Bonoan
FOLLOW-UP ito sa sinulat naming opinion ng netizens sa maaaring gawin ng ABS-CBN management kay Anne Curtis na nagwala sa isang bar sa The Fort noong Nobyembre 23.
Ayon sa nakausap naming ABS-CBN executive, “Walang isyu si Anne sa management at sa Showtime. Kung may magbibigay ng sanction sa kanya, it’s Viva, kasi ‘yun ang management agency niya. At kung magkakaroon ng imbestigasyon, malalaman ng lahat kung sino ang may kasalanan kung bakit ganu’n ang naging reaksiyon ni Anne kina John Lloyd (Cruz), Phoemela (Barranda) at sa ibang taong naroroon.
Lumabas naman sa isang blogsite na pambabastos na kagagawan daw nina John Lloyd Cruz at Jake Cuenca ang nagpagalit nang husto kay Anne. Ayon sa Fashion Pulis blog, sinundan siya ng dalawa sa ladies room at kinalabog nang kinalabog ang pintuan na sadyang binubuwisit ang isa sa Showtime hosts.
Kaagad naman itong itinuwid ng manager ni Jake na si Neil de Guia, “Wala siya (Jake) no’ng nangyari, nasa baba siya ng bar, pagbalik niya, nagkagulo na.”
Samantalang wala pang ibinibigay na statement ang kampo ni Lloydie tungkol sa pangyayari at sa pagtawag sa kanya ng adik ni Anne.
“Magkakaroon ng closed-door meeting between Anne, Jake, Phoemela at John Lloyd,” ayon pa sa kausap naming executive, “para malaman kung sino ang nag-umpisa at kung anuman ‘yun, eh, hindi na ilalabas sa publiko para tapos na ang isyu.”
Katulad din ng sinulat namin kahapon na magkaibigan sina Anne at Angelica Panganiban kaya siguro ayaw nang magsalita ng una kung ano ba talaga ang nangyari kaya niya nasampal at tinawag na adik si Lloydie.
In fairness to Anne, inisip pa rin niya ang friendship nila ni Angelica kaya siguro ayaw niyang ikuwento kung ano ang ginawa sa kanya ni Lloydie.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment