ISULAN, Sultan Kudarat – Sinabi ng Sultan Kudarat Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) na naiparating na ng Sultan Kudarat, sa inisyatibo ni Gov. Datu Suharto Mangudadatu, al hadz, ang tulong ng lalawigan sa Capiz, partikular sa bayan ng Pontevedra at sa lima pang barangay na nasalanta ng super bagyong ‘Yolanda’.
Ayon kay Henry Albano, hepe ng PSWDO, ipinarating na sa Capiz ang P2 milyon cash na nalikom mula sa mga kinanselang aktibidad sa kapistahan ng Sultan Kudarat sa layuning makatulong sa mga binagyo. – Leo P. Diaz
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment