Tuesday, December 3, 2013

NAHIPO ANG PUSO

“If anyone stretches out a hand or whisper a word of encouragement, or attempts to understand a lonely heart, extraordinary things begin to happen.” – Horace Mann, American educator and writer


Kung tayo ay nakatulong sa isang bata o matanda ay mag-iiba ang ating paningin sa buhay. May special blessing na darating sa atin. Nahipo ang ating puso. Nagbago ang dating “ako.” Ganyan ang nangyari kay Jaime Jaranillo, binatang taga-Columbian, Bogota. Naganap ito noong December 24, 1973.



Sa isang saglit ay tumimo sa puso ni Jaime ang trahedyang iyon. Nangyari ito sa anim na taong batang babae na pulubi. Si Jaime, isang mayamang estudyante. Pauwi na si Jaime. Naglalakad siya nang makita niya ang batang babae na masayang nakuha ang isang kahong regalo na tinapon ng batang babae na nakasakay sa dumaang kotse. Marami ang naki-agaw ngunit ang batang ngumiti kay Jaime ang mapalad na nakadampot dahil siya ang pinakamalapit.


Ang bilis ng mga pangyayari. Nahagip ng humahagibis na truck ang batang nakipag-ngitian kay Jaime. Patay ang bata! Nanlumo si Jaime. Marahil kung hindi ito nakipag-ngitian sa kanya ay hindi ito mamamatay. Mula noon puspos na pagmamalasakit si Jaime sa mga batang pulubi.


Noong gabing iyon ay namili agad si Jaime ng 200 mumunting regalo na inabot niya sa mga batang pulubi na walang pamilya at walang bahay. Kumukuha siya ng mga batang pulubi at dinadala niya sa mga ampunan at kung may sakit ay dinadala niya sa ospital. Ipinadala si Jaime ng gobyerno bilang iskolar sa ibang bansa. Noong bumalik siya noong 1980 ay ipinagpatuloy ni Jaime ang pagsagip sa mga bata. Doon niya pinupuntahan sa ilalim ng lupa at mga tulay na may umaagos galing sa sewage o katas ng mga palikuran. Sa gilid nito ay ligtas ang mga bata sa mga pulis na humuhuli sa kanila.


Napakayaman ni Jaime, isang engineer. May kabiyak siyang maunawain at may anak. Sa gabi ay nakapute siya, bota at diving gear. Tinitiis ni Jaime ang dumi, baho at hirap makapaglitas lamang ng mga bata na patapon na ang buhay. Nagtatag si Jaime ng Foundation of the Children of Andes. Iyong maunawaing kabiyak ni Jaime ang namamahala. Lahat ng pagpapasakit nilang magkabiyak ay inialay nila sa Panginoon. Tanim ito sa langit.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



NAHIPO ANG PUSO


No comments:

Post a Comment