PINANINDIGAN nga ni Gretchen Barretto ang kanyang pagtestigo laban sa kanyang kapatid na si Claudine Barretto.
Dumating siya sa Marikina Regional Trial Court kasama ang kapatid na si JJ at nilaglag sa korte ang kanyang bunsong kapatid. Ang pagtestigo niya ay may kaugnayan sa kasong violation of R.A. 9262 na inihain ni Clau kay Raymart Santiago.
Aniya, ginawa raw niya ito alang-alang sa katotohanan, at para raw magkaroon ng “peaceful Christmas” ang kanyang pamilya. Mas matatahimik pala si Greta sa panahon ng pagsilang ni Jesus Christ kung ang kanyang kapatid ay pinagtatawanan at nililibak ng ibang tao?
Ayon pa kay Gretchen, pinagbantaan siya ni Mr. Miguel Barretto, ang kanyang ama, na babarilin silang dalawa ni JJ kapag nagpakita sila sa korte. Galit siguro ang kanilang ama pero hindi naman darating sa puntong papatay ito ng anak, ‘di ba?
Hindi namin nakontak si Atty. Ferdie Topacio para itanong kung bakit wala raw sila ni Clau sa pagdinig ng kaso, tanging ang associate lawyer ni Atty. Topacio na si Atty. Ivy Cabatingan ang dumating.
***
HOST SINISIRAAN NG KAPWA HOST
SINO kaya itong female TV host na dakdakera ang super insecure raw sa seksing kapwa niya host na may kapatid na artista.
Hindi raw gusto ng una na mas may magaling pa sa kanya. Kasi nga naman kinikilala siya sa buong Asia na pinakamagaling daw pagdating sa pagho-host.
Ayon sa tsikang nakarating sa amin, pinalaglag daw nitong insekuridang host ang huli sa Anak TV Awards, at bago ito ay pinatsugi rin ang kawawang biktima sa programang pingtatrabahuhan nito na rating naman. Sino sya?
***
EULA VALDEZ, BIBIDA SA ‘MAGPAKAILANMAN’ NGAYONG SABADO
HIGIT sa mga magagandang Christmas lights, Christmas tree, mga parol, at higit pa sa mga regalo, iisa lang ang talagang nakapagpapasaya sa mga Filipino tuwing panahon ng Kapaskuhan—ang salubungin ito kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay… ang kanilang pamilya. At ito lang din ang gusto ni Marissa, ang makasama ang kanyang pamilya nang buo at walang kulang.
Ngunit, matapos siyang iwan ng kanyang asawa para sa ibang babae, alam ni Marissa na magiging mahirap tuparin ang kanyang gusto. Pero, hindi pa rin siya mawawalan ng pag-asa.
Gagawin ni Marissa ang lahat ng kanyang makakaya para mabalik ang asawa niya, para mabuong muli ang pamilya niya. At habang pinipilit niya ang kagustuhan niyang ito, hindi niya napapansin na siya naman niyang tinutulak ang kanyang mga anak na lumayo sa kanya.
Sampung taon matapos siyang iwan ng kanyang asawa, makagagawa na ng paraan si Marissa na magpakitang muli ang lalaki sa kanya. Pero sa pagbalik ng kanyang asawa, may pamilya pa bang maihaharap si Marissa sa kanya?
Itinatampok si Ms. Eula Valdez kasama sina Diva Montelaba, Ruru Madrid at Ms. Nova Villa, at mula sa manunulat ng ‘Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros’ na si Michiko Yamamoto at sa direksyon ni Michael de Mesa, handog ng ‘Magpakailanman’ ang isang madamdaming kuwento tungkol sa pamilya, at kung paano masasabi ng sinoman na buo ito.
Huwag palagpasin ang ‘Magpakailanman: Kislap ng Parol’ ngayong Sabado ng gabi pagkatapos ng ‘Vampire ang Daddy Ko’ sa GMA 7.
***
For comments, suggestions & news feed, text me at 09234703506/09074582883 or email at kuya_abepaul@yahoo.com. Please listen to DWIZ’s Star na Star program from 2-3 p.m, Monday to Friday. Mabalos!
The post Nilaglag na ang kapatid, pati tatay idinamay pa ni Greta appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment