Thursday, December 19, 2013

Firecracker zone, tinukoy sa Baler

BALER, Aurora – Sinimulan na ng Baler Police ang pagtatalaga ng mga firecracker zone sa bawat barangay sa Baler upang tiyakin ang ligtas na pagsalubong sa Bagong Taon.



Ayon kay Baler Police chief Senior Insp. Rex Perocho, nakausap na nila ang lahat ng barangay chairman tungkol dito at agag namang tinukoy ng mga ito ang designated area para sa pagpapaputok, na tututukan naman ng pulisya at Bureau of Fire Protection (BFP).


Kasabay nito, nagbabala ang pulisya na ipinagbabawal pa rin ang paggamit ng malalakas na paputok, nagbabalang huhulihin at kakasuhan ang mga maaaktuhang nagbebenta at bumibili nito. – Light A. Nolasco


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Firecracker zone, tinukoy sa Baler


No comments:

Post a Comment