Thursday, December 19, 2013

Marlene Aguilar, lumantad na sa panawagang big protest sa January 25, 2014!

PATULOY na dumarami ang mamamayang Filipino ang ngayo’y galit na at bumabatikos sa diumano’y katiwaliang nagaganap sa Pilipinas.


Kamakailan lang, napuno ang Times St. kung saan matatagpuan ang tahanan ng mga Aquino. At ang isa na nga sa walang takot na lumalaban at bumabatikos laban sa diumano’y kabulukang sistema ngayon ng gobyerno ay ang tinagurian ngayon ng libo-libong mga kabataang aktibista na si Marlene Aguilar bilang Ina ng Himagsikan at ang diumano’y nakatakdang big protest rally na magaganap sa January 25, 2014 kung saan napabalitang sasama si Marlene ay mas nag-triple na nga raw ang mga nais sumama sa kanya gaya diumano ng humigit kumulang sa 2 libong mga kabataan, iba’t ibang transport group na kamakailan ay aming naisulat dito.


Bagama’t wala pa rin kaming kontak kay Marlene, nakuha naman namin ang kumpirmasyon mula sa kanya. Heto ang letter na aming natanggap mula sa kampo ng tinaguriang Ina ng Himagsikan: “PANAWAGAN PARA SA BUONG SAMBAYANAN – Mahal kong mga kababayan, alam ko po na nakikita at nararamdaman ninyo ang kahirapan na dulot ng pagiging INUTIL ng ating GOBYERNO. Nais ko po kayong anyayahan na mag-MARCHA papuntang MalacaƱang sa Enero 25, taon 2014, sa Monumento, Caloocan at magkaisa at magsama-sama po tayo – kapit bisig upang LABANAN ang KATIWALIAN! PATALSIKIN ang TIWALI at INUTIL na PANGULONG NOYNOY AQUINO SAMPU NG MGA TIWALING POLITIKO SA ATING PAMAHALAAN.


‘Wag po kayong matakot sapagkat ‘di ako na- tatakot! Sila ang dapat matakot sa atin. Kung MAHAL mo ang PILIPINAS makibaka ka! Ang labang ito ay para sa magandang kinabukasan ng ating mga anak at ng Inang Bayan. Buong puso po akong nagpapasalamat sa inyong suporta. Aasahan po namin kayong sambayanang Pilipino sa Enero 25, 2014, 7am sa Monumento, Caloocan. Sa ngalan ng mga mahal n’yo sa buhay, makibaka po tayo! Gumagalang – Marlene Aguilar


DORMITORYO, MAGTATAPOS NA NGAYONG LINGGO


SA pagtatapos ng Dormitoryo ngayong Linggo (Disyembre 22), hindi pa natatapos ang mga kaabang-abang na mga eksenang siguradong gugulat sa mga manonood.


Sa dormitoryo, patuloy ang pananakot at paghihiganti ni Airiz (Joyce Ching) kila Hazel (Lauren Young) at Danica (Wyn Marquez).

Magkakaroon na rin ng malay si Danica at sa kanyang paghahanap kay Hazel ay aksidente nitong matatamaan ang isang jar na maririnig naman ni Airiz.


Agad namang magtatago sina Hazel at Danica. Papasukin ni Airiz ang kwartong kanilang pinagtataguan ngunit laking gulat ni Hazel nang hindi man lamang siya napansin ni Airiz gayong nakatapat na ito sa kanya. Sa kanyang pagtataka ay babalikan ni Hazel ang lugar kung saan siya inambahan ng palakol ni Airiz at laking gulat niya nang makitang yakap na ni Charlie (Ruru Madrid) ang katawan niya at iniiyakan ito.


Magawa pa kayang makatakas nina Danica at Charlie kay Airiz? May magawa pa kaya si Hazel upang matigil na ang paghihiganti ni Airiz?

Hanggang kailan maghihiganti si Airiz?

Mula sa orihinal na konsepto at direksyon ni Jun Lana, abangan ang kapana-panabik na pagtatapos ng Dormitoryo ngayong Linggo pagkatapos ng Sunday All Stars sa GMA.


The post Marlene Aguilar, lumantad na sa panawagang big protest sa January 25, 2014! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Marlene Aguilar, lumantad na sa panawagang big protest sa January 25, 2014!


No comments:

Post a Comment