Sunday, December 1, 2013

Nietes, Sabillo, nanatiling WBO champions

Ni Gilbert Espena


Tinupad ni WBO world light flyweight champion Donnie “Ahas” Nietes ang pangakong tune-up lang ang pagdedepensa ng titulo kay Mexican challenger Sammy “Guty” Gutierrez na tinalo niya sa 3rd round TKO kamakalawa ng gabi sa Filipinos vs Latinos showdown sa pamosong Smart-Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.



Dalawang beses pinabagsak ni Nietes si Gutierrez sa 1st round at tatapusin na sana ang laban pero tumunog ang batingaw kaya nakaligtas sa agad na pagkatalo ang Mexican.


Naging “punching bag” pa rin si Gutierrez sa kabuuan ng 2nd round pero sa 3rd round ay tiniyak ni Nietes na hindi na makababangon ang Mexican mula sa lona.


“In the third, Nietes hurt Gutierrez with a left hook and finished the job with a well timed right straight that sent the Mexican to the canvas on all fours. He tried to get up but Referee Celestino Ruiz brought an end to the carnage at the 2:58 mark,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.


Sa matagumpay na depensa, malapit nang malagpasan ni Nietes ang pitong taong pagiging junior lightweight world champion ng dakilang si Gabriel Falsh Elorde dahil nagsimula siyang maging world champion ng WBO noong 2007.


Sa kabilang dako, napanatili ni Merlito “Tiger” Sabillo sa mga kamay ang WBO minimumweight world title matapos silang magtabla ng mas bata at wala ring talong si Carlos “Chocorroncito” Buitrago ng Nicaragua sa loob ng 12 rounds.


Naging mas agresibo si Sabillo pero mahusay na counter puncher si Buitrago na nakuha mapagtatamaan ng kombinasyon ang Pilipino na maagang nalamangan sa puntos ng Nicaraguan.


“Sensing he was falling behind, Sabillo kept his pressure the fight became a battle between accuracy versus volume and aggressiveness. The 29 year old Sabillo’s fierceness and pressure enabled him to gain ground and catch up past the halfway mark,” ayon sa ulat. “The fight was hanging in the balance with Sabillo almost going down but he continued to force the issue while Buitrago, who is interim titlist, stuck to his plan to wait and counter.”


Para kay judge Levi Martinez ng United States, nanalo si Buitrago sa iskor na 115-113 samantalang pabor si judge Joerge Milke ng Germany kay Sabillo sa 115-113 at tabla naman ang laban kay judge Takeshi Shimakawa ng Japan sa 114-114.


Sa unang laban matapos mabigong sungkitin ang WBA at WBO flyweight titles, nagwagi si world rated Milan “El Metodico” Melindo sa 12- round unanimous decision laban kay dating interim WBA light flyweight champion Jose Alfredo “Torito” Rodriguez ng Mexico para matamo ang bakanteng WBO International flyweight crown.


Napanatili ni Jason “El NiƱo” Pagara ang kanyang WBO International light welterweight title sa 12-round unanimous verdict laban sa matibay Vladimir Baez ng Dominican Republic at muling nanalo si world rated AJ “Bazooka” Banal sa 10-round unanimous decision laban kay Puerto Rican Manuel Gonzalez Garcia.


Tiyak namang aangat sa world rankings si WBO Oriental light welterweight champion Jimrex “Executioner” Jaca nang patulugin sa 1st round si dating Indonesian lightweight titleholder Wellem Reyk.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Nietes, Sabillo, nanatiling WBO champions


No comments:

Post a Comment