Patay ang isang lalaki at malubhang nasugatan ang limang iba pa matapos silang araruhin ng isang kotse habang nagtatanim ng damo sa South Cotabato, noong Linggo ng hapon.
Kinilala ng General Santos City Police ang nasawi na si Jeric Noel Jacinto.
Nagpapagaling naman sa pagamutan sina Ricky Datu, 6; Marvin Bantogan, 10, kapwa ng Santiago Village Lagao, General Santos; Jona Toleno, 58; Gina Toleno, 45; at Rominee Toleno, 14, pawang taga-Tuyan, Malapatan, Sarangani.
Sa pagsisiyasat ng pulisya, nagtatanim ng carabao grass sa Bgy. Baluan ang mga biktima nang bigla silang sagasaan ng kotse.
Isinasailalim naman sa imbestigasyon ng pulisya ang suspek na si Armando Midlon, 26, ng Camachile Street, Barangay East, General Santos City.
Inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting to homicide and multiple serious physical injury laban kay Midlon. – Fer Taboy
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment