Tuesday, December 3, 2013

De-kalibreng showbiz personality, nagtampo sa kapalpakan ng network

MAY malaking tampo raw sa TV network ang isang de-kalibre at kilalang personalidad.


Blind Item Ito marahil ang dahilan kung bakit urong-sulong ang showbiz personality para tanggapin ang projects na iniaalok sa kanya sa naturang TV station.



Kung ilang beses na raw humihingi ng meeting ang big bosses ng network sa kampo ng personalidad, pero dahil may tampo nga ang huli sa network ay lagi siyang gumagawa ng dahilan para hindi matuloy.


In fairness, may katwiran namang magtampo ang showbiz personality sa network.


Ayon pa sa nasagap ng aming spy, maraming beses na raw ang mga palpak na ginawa ng istasyon sa sikat na personalidad na isa-isang inilahad ng source sa amin, pero nakiusap siya na huwag na lang.


Gusto man naming isulat, pagbibigyan na naming ang aming spy dahil mabubuking ang identity ng alaga nila kapag nagbigay kami ng mga detalye.—Jimi Escala


.. Continue: Balita.net.ph (source)



De-kalibreng showbiz personality, nagtampo sa kapalpakan ng network


No comments:

Post a Comment