Tuesday, December 3, 2013

Negosyante, pinatay

KIDAPAWAN CITY – Binaril at napatay ng dalawang armadong lalaki ang isang negosyante ilang minuto makaraan siyang bumaba sa isang pampasaherong multi-cab sa Cotabato-Davao highway, sa Matalam, North Cotabato, bandang 9:45 ng umaga kahapon.



Kinilala ng Matalam Police ang biktimang si Ted Cespon, 56, ng President Roxas, North Cotabato.


Ayon sa saksing si Rosario Amor, driver ng pampasaherong multi-cab na sinakyan ni Cespon, sinundan ang kanyang sasakyan ng dalawang lalaking magkaangkas sa itim na Kawasaki motorcycle at nang bumaba ang biktima ay pinagbabaril ito sa ulo at dibdib. – Malu Cadelina Manar


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Negosyante, pinatay


No comments:

Post a Comment