Tuesday, December 3, 2013

Empleyado pa ng solon sangkot sa pekeng SARO

IBINUNYAG ngayon ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr., na may isa pang empleyado ng kongresista ang ngayon ay iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation kaugnay sa mga pekeng Special Allotment Release Order (SARO).


Hindi binanggit ni Belmonte ang pangalan ngunit ito aniya ay nagmula sa tanggapan ni Aklan Rep. Teodorico Haresco kasabay ang kaniyang paniniwalang ito ay “isolated cases” lamang ngunit walang sindikato sa Kamara na responsible sa pagpapakalat ng mga pekeng SARO na tanging ang Department of Budget and Management (DBM) lamang ang may kapangyarihan na mag-isyu.


Paglilinaw pa ni Belmonte na walang kongresistang iniimbestigahan kungdi mga empleado lamang kung kaya walang dahilan upang mag-imbestiga ang Kamara kungdi ipauubaya ito sa NBI.


“I only know this case involving the staff member of Congresswomen Lilia Nuño (Zamboanga City); and Baby Aline Vargas-Alfonso (2nd District Cagayan). But I have heard that NBI is investigating two more SAROs involving the office of another congressman (Haresco) but I have not yet talk with that congressman about it,” ani Belmonte.


Aabot aniya sa 12 empleyado ang sinisiyasat na ng kabilang sina Emmanuel Raza at Jose Badong.


Paniwala mismo ni Nuño na may sindikatong kumikilos kaugnay sa mga pekeng SARO matapos masangkot ang kanyang political assistant na si Raza ngunit wala siyang personal na nalalaman sa usaping ito.


Sa sama aniya ng kanyang loob, inatake pa siya ng alta-presyon kasabay ng kumpirmasyon na nag-leave na ang kaniyang staff na si Raza.


Ayon sa ulat, si Raza ang pinagmulan ng pekeng SARO na napunta sa tanggapan ni Rep. Vargas-Alfonso na ayon kay Speaker Belmonte ay hindi naman nagpakita sa NBI matapos imbitahan para maimbestigahan.


The post Empleyado pa ng solon sangkot sa pekeng SARO appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Empleyado pa ng solon sangkot sa pekeng SARO


No comments:

Post a Comment