NAIS mo bang masukat ang hangganan ng iyong katatagan? Harapin ang hamon at subukan ang kahandaan ng sarili sa mapangahas na TrueNorth Guerilla Race sa Disyembre 15 sa Nuvali Park sa Santa Rosa, Laguna.
Dinesenyo ng mga beteranong Philippine Army Scout Ranger, naghihintay ang pagsubok sa mga kalahok para malagpasan ang iba’t ibang balakid na hahamon sa kanilang katatagan, kahandaan at determinasyon sa pagtahak sa 5-kilometer race.
“We came out with this unique and one of a kind obstacle race to give participants a chance to display their fighting spirit,” pahayag ni Irene L. Bantegui, race organizer at marketing officer ng DSTV.
“With the theme “Finish the race… Or die trying, expect adrenaline rush, “ dagdag niya.
Ayon kay Bantegui , ang karera ay magsisilbi rin bilang isang fundraising activitiy ng TrueNorth Training Camps at DSTV, ang cable channel ng Department of Defense
“Actually, last year pa namin ito binuo at ang beneficiary namin ay ang Hero’s Foundation para sa mga anak ng mga namatay na miyembro ng military at police, but nangyari naman itong trahedya sa Tacloban at Samar kaya magbibigay din kami ng tulong sa mga biktima ng bagyong Yolanda,” sambit ni Bantegui.
Patuloy ang pagtanggap ng lahok sa isinasagawang campus tour, habang makukuha rin ang registration form sa ROX outlet sa Bonifacio High Street. Bukas din ang pagpapatala sa online sa pamamagitan ng www.guerilla-race.com.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment