SAN FERNANDO CITY, La Union – Sinimulan kahapon ang pagpapakalat ng 50 enforcer ng Land Transportation Office (LTO) sa mga shopping mall sa Region 1 para matyagan ang mga abusadong tricycle at taxi driver hanggang sa Disyembre 31.
Ayon kay LTO-Region 1 Director Teofilo “Jojo” Guadiz, ang mahuhuli sa unang beses na pagtanggi o pagkontrata sa pasahero ng taxi ay pagmumultahin ng P2,500 at isang buwang sususpendihin ang lisensiya, samantala ang tricycle na magsasakay nang higit sa apat ay pagmumultahin ng P3,000. – Liezel Basa IƱigo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment