Thursday, December 19, 2013

Cray, ‘di nakatuon sa pera

NYAT PYI TAW– Si Eric Cray ay mayroong degree sa edukasyon at master’s degree sa human relations sa University of Oklahoma.


Makakakuha siya ng full-time job kung pipiliin niya, ngunit mayroon pa siyang ‘di natatapos na business na dapat niyang pangalagaan.


Noong Disyembre 2011, si Cray ay kinontak ng opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) upang mag-inquire kung pwedeng iprisinta nito ang Pilipinas bilang isang atleta.



“I was able to talk with Andrew Pierre and he advised me what to do,” naaalala ni Cray.


Si Pierre, sa kabilang dako, ay nagtatrabaho sa ilalim ni Commissioner Jolly Gomez.


Ang pagsabak sa Pilipinas ay ideya mismo ng kanyang Filipino mother, ayon kay Cray.


“He wanted me to compete for the Philippines,” pahayag ni Cray.


Isang All-American, si Cray ay naging ranked No. 9 sa United States.


“I know I can go far given the opportunity, but you see, I still need to work to pay the bills,” saad ni Cray na ngayon ay naninirahan sa kanyang fiancée sa El Paso, Texas kung saan ay doon din siya nagsasanay.


Ang kanyang ina ay naninirahan sa San Antonio, Texas.


“Yes, we still communicate a lot,” ayon kay Cray, hinggil sa kanyang ina. “One thing we were taught is the value of family, of staying connected.”


Sinabi ni Cray na lagi siyang nakaririnig ng mga wikang Tagalog.


Nananatiling paborito pa rin ni Cray ang Filipino dishes, kahalintulad ng paksiw, lumpia, adobo at tinolang manok, at iba pa.


Sinabi ni Cray na ang kanyang ina, isang registered nurse, ay patuloy na sumusuporta sa kanya.


Si Cray ay nag-iisang anak , ikatlo sa apat na magkakapatid.


“Our eldest sister wanted to play basketball for the Philippines but she suffered ACL so she ended up coaching,” pahayag nito.


Nabatid kay Cray na ang kanyang nakababatang kapatid ay nasa hanay rin ng sports.


“Ernestine, our second youngest, competes in triple jump while Evelyn is a sprinter,” dagdag nito.


Si Evelyn, 18, ay may taas na five-foot-five, at tumatakbo sa 200 meters sa loob ng 25 segundo, ayon kay Cray. Malapit sa national

record na nasa kamay pa rin ni legendary Lydia de Vega.


“Everybody thinks that when you come from the States, you had a good life. That’s not true. We had a rough life. It’s day to day. I work 30 hours a week in a retail store. I’m lucky my boss gives me time to train,” pahayag pa nito.


Upang makapagprepara sa Southeast Asian Games, sinabi ni Cray na isinasagawa niya ang pagsasanay sa loob ng tatlong beses sa isang linggo sa ilalim ni coach Keith Sharper.


“I still have to pay him though. But he gave me a good discount,” ayon dito.


Sa nakaraang 400-meter race noong Martes, na kanyang magaan niyang napanalunan, sinabi ni Cray na puwede siyang tumakbo sa 50s.


“I was sort of testing my body at first. I sort of jogged in the first 200 meters, then I pushed it before slackening a bit in the end,” saad ni Cray na naorasan ng 51.29 segundo.


Nasa isip na ni Cray ang Asian Games sa susunod na buwan.


“To win in the Asiad, I have to run below 50. I can do that. There’s still time,” giit pa ni Cray.


Klinaro ni Cray na nasa athletics pero ‘di para sa pera.


“I want to be here because I know I can be the best. But to get there, you need help,” layon pa nito.


“The Asian Games first. If I do well, the Olympics in Rio,” dagdag pa nito.


Si Cray ay may nalalabi pang dalawang events, ang 110-meter hurdles at ang 4 x 400-meter relay.


Sinabi ni Cray na ang kanyang naging best time sa short hurdles ay 14.17 segundo, mas mabagal sa kanyang winning time sa Palembang, Indonesia.


“I have to push myself to run in the 13s,” ayon sa kanya. (Rey Bancod)


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Cray, ‘di nakatuon sa pera


No comments:

Post a Comment