SA rami ng problemang kinahaharap ng kanyang administrasyon, aba’y surrender na itong si Pangulong Benigno Aquino III kaya nasabi niyang walang magagawa ang gobyerno sa kalamidad na bumayo sa bansa at maging sa mga pagtaas ng presyo ng bilihin at serbisyo.
Aba’y anong klaseng pinuno itong si Pangulong Aquino? Sa halip na mag-isip ay nagawa agad ang inuuna nang hindi pa sumusubok ng paraan kung paano malulutas ang problema?
Iyan ang klase ng politiko na sumandal na lang sa popularidad ng amang si Benigno Aquino, Jr. at kapatid na si Kris Aquino kasama na ang “magic” ng kanyang inang si dating Pangulong Corazon Aquino.
Kung hindi kayang mag-isip ni PNoy para sa bayan, ano ang ginagawa ng kanyang mga consultant na libo-libong piso na ang kinikitang suweldo, milyon-milyong piso pa ang ibinubulsa mula sa mga kontratang kanilang nakukuha at koleksyon sa ibang sangay ng pamahalaan tulad sa Aduana?
Aba’y dapat sa kanila ay magkaroon ng delicadeza na sila na mismo ang bumaba sa puwesto. Pero malabong mangyari iyon dahil tiyak na manghihinayang sila sa perang kanilang makukurakot pa sa bayan na dahilan ng patuloy na paghihirap ng buong bansa.
Ngayon pa lang, nag-iisip na ang consultants ni PNoy ng ibang paraan upang iiwas ang kanilang “boss” sa paninira ng media. Tiyak na may iba na namang anomalya ang susulpot para matabunan ang isyu sa kalamidad, pagtaas ng presyo ng bilihin tulad ng langis at LPG at serbisyo tulad ng kuryente at tubig.
Walang katapusang problema. Kasi naman, hindi binibigyang pansin ng pamahalaan at sa halip ay pinatatabunan lang ng ibang isyu. Ito ang pinakamagandang accomplishment ng administrasyong Aquino!
Kelan kaya magigising ang sambayanan?
“Ang problema at nagbibigay ng problema ay hindi inaaruga, kung hindi sinisipa!”
o0o
PEBRERO pa nagsampa ng kasong administratibo ang isang may-ari ng punerarya laban kay Sr./Supt. Emmanuel Aranas ng PNP Crime Laboratory dahil sa pagiging abusado nitong huli.
Dininig ang kaso sa pre-charge evaluation ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) sa Camp Crame. Hinintay pa na matapos ang “election ban” bago naaksyunan ang kaso at hinintay pa rin ang “go signal” ng Palasyo sa pagsasampa ng kaso dahil itong si Aranas ay itinuturing na “presidential appointee.”
Nagbigay ng “go signal” ang Palasyo kaya nasa Discipline, Law and Order Division na ng Philippine National Police ang kaso ni Aranas.
Lamang, naiinip na ang mga opisyal at tauhan ng Crime Lab na asar na asar kay Aranas.
Kelan nga ba kikilos ang DLOD para mabigyang hustisya ang kamalasang inabot ng may-ari ng punerarya sa kawalanghiyaan ni Aranas at ng kanyang amo na salamat naman at magreretiro na sa December 26?
“Happy 56th Birthday po, director!”
The post PNOY, MAG-ISIP; NATUTULOG NA KASO appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment