Wednesday, December 4, 2013

Karylle at Yael Yuzon, ikakasal na

KARYLLE and Yael


Ni Reggee Bonoan


MAGIGING Mrs. Yael Yuzon na si Karylle Tatlonghari sa 2014, dahil tinanggap na ng dalaga ang proposal ng long-time boyfriend niya two months ago.



Kaya marahil masayang-masaya na ang Mama Zsa Zsa Padilla ni Karylle na matagal nang umuungot ng apo kay Karylle, dahil gusto raw nito na may nakakarga na at hindi rin naman itinanggi ng panganay na napi-pressure siya.


Matagal na rin palang pinag-uusapan ito nina Yael at Karylle kaya nang mag-propose ang bokalista ng Spongecola ay tinanggap na ng dalaga.


Anyway, kuwento ng aming source tungkol sa proposal, “Matagal nang nag-propose si Yael kay Karylle at sa tingin ko, it’s about time na rin kasi matatanda na sila, they’re both successful in their field so, ano’ng problema? Wala namang sabit pareho, walang anak si Yael sa pagkabinata, ano pa hinihintay nila? Matatanda na sila.”


Binanggit namin sa source na tila hindi boto ang daddy ni Karylle na si Dr. Modesto Tatlonghari kay Yael, dahil napapansin namin na hindi malapit ang binata sa ama ng mapapangasawa.


“Eh, walang magagawa si Doktor, kasi anak naman niya ang makikisama. And I believe na alam nina Zsa Zsa at mga kapatid ni Karylle kasi botong-boto silang lahat.


“Hindi ko masisi ang daddy ni Karylle kasi technically, siya ang nagpalaki kay K at higit sa lahat, sa kanya pa rin umuuwi si Karylle at magkasama sila sa bahay.


“Kung ako rin, anybody na magustuhan ni Karylle ay hindi talaga boto si Dr. Tatlonghari, but we have to face the fact na K is not getting any younger, she’s over thirty (32 years old) so, ano pang hinihintay? ‘Yun nga lang, mas matanda si K kay Yael,” say sa amin.


Kailan ang kasal at saan?


“Wala pang definite date, ‘yung March hindi pa sure,” kaswal na sabi sa amin.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Karylle at Yael Yuzon, ikakasal na


No comments:

Post a Comment