Nabigo ang Pinoy boxer na si Vergilio Silvano na masungkit ang International Boxing Federation (IBF) minimumweight title matapos matalo sa 12-round unanimous decision kamakalawa sa kampeong Hapones na si Katsunari Takayama sa Bodymaker Colosseum sa Osaka, Japan.
Bagamat nayanig ni Takayama sa pamamagitan ng isang matinding left hook si Silvano sa 1st round ay hindi niya nagawang mapatulog ang Filipino kaya nakuntento ang Hapones sa pagwawagi sa puntos.
Ito ang unang laban ni Takayama sa Japan sa loob ng apat na taon matapos magkampanya siya sa ibang bansa sa ilalim ng ALA Promotions dahil hindi kinikilala ng Japan Boxing Commission ang mga samahang IBF at World Boxing Organizatioon (WBO).
Kahit nakipagsabayan si Silvano kay Takayama, dalawang round lamang ang ibinigay sa kanya ng mga huradong sina Valerie Dorsett at Joseph Pasquale at ni hindi siya binigyan ng kahit isang round ng ikatlong hurado na si Joe Garcia.
“With quicker footwork, Takayama remained the aggressor from the opening round and punished the No. 6 IBF contender in a corner with a flurry of punches,” ayon sa ulat ng The Japan Times. “Silvano fought back in round nine with two judges scoring the round for the challenger 10-9.”
“I felt relieved. I thought I might be able to knock him out but Silvano held on,” sabi ni Takayama matapos ang laban samantalang aminado naman ni Silvano na malaki ang lamang ng Hapones sa karanasan.
“Takayama was fast and experienced. I have sustained limited damage but he was a clever fighter with powerful right straights,” sabi naman ni Silvano.
Sa kanyang pagwawagi, napaganda ni Takayama ang kanyang kartada sa 26-6-0 win-loss-draw na may 10 pagwawagi sa knockouts samantalang dumausdos si Silvano sa 17-3-1 win-loss-draw na may 10 panalo sa knockouts. (Gilbert EspeƱa)
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment