Wednesday, December 4, 2013

Ginastos ng PNP sa Zambo attack, umabot sa P20.8M

Umabot sa P20.8 milyon ang ginastos ng Philippine National Police (PNP) sa pakikipagbakbakan sa puwersa ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City noong Setyembre.


Subalit, iginiit ni Senior Supt. Reuben Theodore Sindac, chief information officer ng PNP, na balewala ang naturang halaga kumpara sa kanilang nagampanan sa pagpapanumbalik ng katahimikan at kaayusan sa Zamboanga City.



“What we accomplished cannot be equated with the lives of civilians that were saved and the peace and normalcy that were restored,” ayon kay Sindac.


Sinabi ng opisyal na karamihan sa pondo ay inilaan sa bala, gasolina, pagkain at iba pang gamit ng pulisya na nakipagbakbakan sa mga rebeldeng Moro sa baybaying lugar ng Zamboanga City.


Umabot sa tatlong linggo ang standoff ng mga sundalo at ng mahigit 500 tauhan ni MNLF founding chairman Nur Misuari, na nagtangkang magtaas ng bandila ng grupong sesesyunista sa City Hall.


Limang barangay sa siyudad ang inokupa ng mga armadong rebelde, na nagresulta sa paglikas ng daan libong residente.

Umabot sa 206 na rebelde ang nasawi habang mahigit 200 ang naaresto sa insidente.


Naglaan ang gobyerno ng P4 bilyon sa rehabilitasyon ng mga naapektuhang lugar. – Aaron B. Recuenco


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Ginastos ng PNP sa Zambo attack, umabot sa P20.8M


No comments:

Post a Comment