Hiniling ng University of the Philippines sa Korte Suprema na payagan ang mga miyembro ng hudikatura na makapagturo sa UP bilang mga professional lecturer.
Sa liham ni UP College of Law Dean Danilo Concepcion kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, iginiit nito na ang mga professional lecturer sa UP na mula sa hudikatura ay hindi naman mga regular na empleyado.
Sinabi ni Concepcion na napagkakaitan ang UP College of Law Faculty ng mga prominente at natatanging miyembro dahil sa constitutional prohibition laban sa tinatawag na double compensation. Ngunit sa opinyon ng kolehiyo, ang pagtuturo sa pampublikong eskwelahan gaya ng UP ng mga miyembro ng hudikatura ay hindi naman maituturing na pagdoble ng posisyon o employment sa gobyerno.
Bilang pagtalima rin sa hinihinging certification ni Sereno, tinukoy ni UP Vice President for Legal Affairs Hector Danny Uy sa kanyang legal opinion na ang mga professional lecturer ay hindi mga empleyado ng unibersidad. Exempted din sa drug testing at hindi saklaw ng rules and regulations ng Civil Service Commission. – Beth Camia
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment