Ni Ador Saluta
SA panayam kay Luis Manzano sa Umagang Kayganda nitong nakaraang Huwebes, marespeto niyang sinagot ang lahat ng mga katanungan tungkol sa lahat ng naglalabasang mga isyu, mga pangalang lumalabas na third party raw at dahilan ng
hiwalayan nila ni Jennylyn.
“Jen and I know the truth kung bakit kami nagkahiwalay,” sabi ng actor/ TV host at idinugtong na halos dalawang taon silang magkasama, in and out of the country, at hindi nila inakala na hahantong sa maagang hiwalayan ang lahat.
‘Yon nga lang, hinihiling nilang ibalato na lang sa kanila ng media ang totoong dahilan ng pagtatapos ng kanilang relasyon.
Kaya mananatili ang sinasabi ng showbiz observers na misteryo o palaisipan kung bakit nga ba o kung sino ang may kasalanan sa dalawa.
Pero sa kabila ng sugat-sapuso, hindi iyon mababanaag sa anyo at ikinikilos ng poging anak ni Batangas Gov. Vilma Santos. Nagawa pa nga niyang magbiro sa naturang interbyu.
“Nao-offend ako kasi ang daming nali-link sa akin,” sabi ni Luis. “Hinihintay ko lang sana na malink sa akin si Kate Beckinsale, please naman pang-Hollywood itong mukha ko.”
Promise ni Luis, any day now or baka sa birthday ng kanyang Mommy Vi, saka sila magwa-one-on- one na mag-ina.
Alam niyang nalulungkot din sa kanyang pinagdadaanan ang nanay niya since aminado naman itong nakasuporta at boto sa mamanugangin sanang si Jennylyn.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment