Sunday, December 1, 2013

Bank account ng 3 senador, pinapi-freeze

Ni Beth Camia


Plano na ring ipa-freeze ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mga bank account ang tatlong senador na kabilang sa mga kinasuhan dahil sa umano’y pagkakasangkot sa kontrobersyal na “pork barrel” fund scam.



Sinabi ni Department of Justice (DoJ) Secretary Leila de Lima na pursigido na ang NBI na ipa-freeze ang mga bank account nina Senador Juan Ponce Enrile, Ramon “Bong” Revilla Jr, at Jinggoy Estrada.


Gayunman, nilinaw ng kalihim na kanilang ipinauubaya sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) ang pagsagawa sa naturang hakbang.


Matatandaang kinatigan ng Court of Appeals (CA) ang freeze order request laban sa mga co-accused ng tatlong mambabatas sa P10-billion PDAF scandal.


Nilinaw ni De Lima na ginagalang nila ang desisyon ng AMLC na hindi isama sa court order ang tatlong senador.


Napag-alaman na saklaw sa nasabing freeze order ay sina former APEC party-list Rep. Edgar Valdez; former Agusan Del Sur Rep. Rodolfo Plaza; former Benguet Rep. Samuel Dangwa at former Cagayan de Oro Rep. Constantino Jaraula. Dawit din dito sina Atty. Gigi Reyes, dating chief of staff ni Enrile; Richard Cambe, chief of staff ni Revilla; Ruby Tuason at Pauline Labayen, staff ni Estrada.


Samantala, muling nagpaliwanag si De Lima sa pagkakaantala naman sa inaabangang paghahain criminal complaint sa iba pang personalidad na sangkot sa kontrobersiyal na pork barrel fund scam.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Bank account ng 3 senador, pinapi-freeze


No comments:

Post a Comment