Monday, December 2, 2013

Balik-eskuwela sa Tacloban, makatutulong sa mga bata

Ni Ina Hernando Malipot


“Walang iwanan, walang iiwan.”


Sa muling pagbabalik ng mga estudyante ngayong Lunes sa mga paaralan sa Tacloban City na sinira ng super bagyong ‘Yolanda’, tiniyak ni Department of Education (DepEd) Secretary Armin Luistro na ang kagawaran “will be there in every step of the way” para sa mga guro at estudyante na naapektuhan sa pananalasa ng bagyo.



Sa kabila ng pagkawasak ng maraming eskuwelahan at pagkamatay ng ilang kawani ng kagawaran, hinimok ni Luistro ang mga opisyal ng eskuwelahan na agad na muling ipagpatuloy ang klase dahil makatutulong ito “[to] bring back a sense of normalcy” sa buhay ng mga apektadong guro, lalo na sa mga estudyante.


“Amidst the chaos, we teach them [students] to line up. Amidst all the noise, we teach them to be quiet and to pray. Amidst all the different voices, we ask them to listen to the stories of their classmates, to hold hands, and talk about their experiences,” sabi ni Luistro, binigyang-diin ang pangangailangang magbalik-eskuwela “as soon as feasible” sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.


Sinabi ni Luistro na ang “education in emergencies” ay hindi naman kinakailangang maging ideyal para sa mga mag-aaral. “Education cannot just be during in an ideal time especially, in emergency, kailangan may on-going education ‘yung kabataan, adopted in local situations,” dagdag niya.


“Hindi kailangang formal lessons agad, more of attendance,” sinabi ni Luistro tungkol sa pagbabalik-eskuwela sa Tacloban. “Ang unang dapat gawin ay mag-roll call para malaman kung sino sa mga estudyante ang present at sino ang puwedeng absent or missing.”


“Kapag hindi namin sila maibabalik sa normal nilang buhay sa paaralan, kahit makeshift classrooms man lang, mas lalo silang mahihirapan ikuwento ang kanilang pinagdadaanan [kung hindi agad magbabalik-eskuwela],” dagdag pa ng kalihim.


Inoobliga rin ni Luistro ang mga guro at mga opisyal ng paaralan na i-report sa mga DepEd Division office kung ilan pa ang posibleng nawawala.


Pinakamatinding naapektuhan ng Yolanda ang Eastern Samar, Leyte, Samar, Ormoc City at Tacloban City sa Region 8, na 355 sa 1,498 eskuwelahan ang nawasak. Batay rin sa huling datos ng DepEd, 2,877 sa 13,033 classroom sa Region 8 pa lang ang labis na napinsala at kailangang itayong muli.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Balik-eskuwela sa Tacloban, makatutulong sa mga bata


No comments:

Post a Comment