Tuesday, December 3, 2013

Gamit ay law of dedma sa kanya’y mga nang-iintriga!

BAGAMA’T ginigisa ngayon si Anne Curtis, marami rin siyang mga kaibigan na sumusuporta sa kanya. Tama nga naman ‘yung nag-sorry na siya, mag-move on na at gamitin ang law of dedma sa mga gustong palakihin pa ang gulo.


Ang iskandalong kinasasangkutan ni Anne ay nalalagay ngayon sa alanganin ang mga ini-endorse niya kaya tantanan na siya. Nakaloloka lang na kung ano-ano na ang idinagdag na isyu sa pagsampal ng aktres.

Tao lang naman tayo na may pagkakamali. Minsan hindi nako-control ang sariling bugso ng damdamin. Pero si Anne ang tipo ng artista na mabait, sweet at ngayon lang nasangkot sa ganyang isyu. May nagsasabi nga na may nag-provoke rin kay Anne para gawin ‘yan.

Sey nga niya sa statement niya: “Just as I did. Which I accepted too. I choose not to go into detail because I’m not the type to ruin someone else’s name.”


Sa isyung ito, dapat ding magsalita si John Lloyd Cruz dahil kung ano-anong ispekulasyon na ang naglalabasan. True ba na nag-flirt siya kay Anne nu’ng gabing ‘yun kaya nagalit ang aktres?


Ang nakalolorky, mas lalaki ang isyung ito ‘pag nag-react pa at sumawsaw si Angelica Panganiban (girlfriend ni Lloydie), huh!


Ang maganda kay Anne, nakikita ang mga totoong kaibigan niya na sumusuporta ngayon sa kanya. Isa na rito ay si Luis Manzano.


Sey niya sa Twitter account: “We are just human and we all have our moments of weakness nippy, we are all here behind you… It takes guts to admit our mistakes and apologize to parties involved and you did :) learn and rise from the experience :) we love you! :).”


Kahit si Vice Ganda ay nagparamdam ng suporta sa aktres. Todo ang yakap at alalay niya sa It’s Showtime.


Si Kuya Kim Atienza naman ay ni-retweet ang official statement at paghingi ng paumanhin ni Anne.


Bongga!


-0o0-


HINDI rin maiwasan kay Sam Milby na tanungin sa presscon ng filmfest entry na Kimmy Dora (Ang Kiyemeng Prequel) sa iskandalong kinasasangkutan ng ex-girlfriend. Mabait nga ang guwapong actor at leading man ni Eugene Domingo dahil hindi napipikon kahit paulit-ulit ang tanong sa kanya at kinukulit sa isyung ito. Tumatawa lang siya, ngumingiti at consistent sa pagsasabi ng no comment dahil wala siya sa gulong pinangyarihan.


May nagtanong pa kung nakatikim na rin siya ng ‘sampal’ ni Anne pero sinagot din niya ng ‘hindi sa totoong buhay, sa teleserye lang na kung saan sila ay nagsama.


Naniniwala si Sam na hindi makasisira kay Anne ang nangyari dahil marami ang nagmamahal sa aktres.


“Like I said, I felt that you know, she admitted her mistake, she has done what she can and asked for forgiveness and ang daming nagmamahal sa kanya. She has so many supporters, so many people that love her and I think this will pass,” deklara niya.


‘Yun na!


-0o0-


TRUE ba na matutuloy na ang guesting ni Robin Padilla sa primetime serye na Adarna na pinagbibidahan ng anak niyang si Kylie Padilla sa GMA 7?


Ngayong linggo sa Adarna, unti-unti nang makikilala ni Ada (Kylie) ang tunay niyang pinagmulan dahil masisilayan na niya ang Pugad Sanghaya.


Matapos niyang pagalingin ang ina ni Migo (Geoff Eigenmann) na si Geraldine (Isay Alvarez), hindi inaasahan ni Ada na agad malalagay sa panganib ang kanyang buhay. Kung sa una’y magagawa niyang makatakbo palayo sa mga press na sasalubong sa kanya sa harap ng simbahan, magawa pa kaya niyang makatakas sa mga taong ibon?


Habang tumatakbo papalayo sa mga press, tatambad kay Ada ang isang taong ibon na may itim na itim na pakpak. Agad siyang kikilos papalayo ngunit papanain siya ng taong ibon. Masusugatan si Ada at bago pa man siya mahuli ay darating ang mandirigmang si Falco (Mikael Daez) na siyang magliligtas at magdadala kay Ada sa Pugad Sanghaya.


Sa pagdating ni Ada sa Pugad Sanghaya, ano kaya ang kanyang mga matutuklasan mula sa kanyang pagkatao? Mahanap kaya niya rito ang inang si Lupe (Jean Garcia) na matagal na niyang hinahanap? Mahuli kaya siya ng mga tao ni Garuda (Dante Rivero) at Uwakra (Michelle Madrigal)?


The post Gamit ay law of dedma sa kanya’y mga nang-iintriga! appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Gamit ay law of dedma sa kanya’y mga nang-iintriga!


No comments:

Post a Comment