NASILIP namin si Anne Curtis noong Tuesday afternoon sa It’s Showtime at kahit na nga dedma ang buong grupo sa kinasasangkutan niyang iskandalo, kitang-kita kay Anne ang epekto ng mga naglabasang balita dahil hindi siya ‘yung usual Anne sa show na very jolly, kikay at palabiro sa lahat. Napakaingat din nito sa pagsasalita na para bang lahat ng mga mata ay nakatutok sa kanya.
Isang bagay na hindi natin alam kung hanggang kailan niya keri na dalhin at itago kahit pa nga sabihing she has done her part. Medyo natatakot nga kami sa posibleng epekto nito sa ilang dosena niyang mga product and services endorsement dahil as we observe the netizens, marami silang gimik para i-blown out of proportion ang mga famous line na diumano’y kanyang binitiwan o sinabi ala-movie scene gaya ng “I can buy you, etc..”
Habang panay ang pagbanggit sa balita ng ibang networks ng naturang insidente, patuloy naman sa kanilang news black out ang ABS-CBN at VIva Entertainment na siyang may hawak sa karir ni Anne.
Para sa kanila, ang kasabihang ‘mamamatay rin ang isyu sa malao’t madali,’ ang higit nilang nakikitang best option. Hmmm…well…
****
KAYA nga kami challenged sa darating na BUZZ ng BAyan episode ngayong Linggo dahil ang balita, si John Lloyd Cruz ang isa sa mga bisita ng programa. Unless may pagbabagong gawin ang programa on its final telecast dahil na rin sa pagkakasangkot ni Lloydie sa issue ni Anne.
Para naman kasing nakatatawang panoorin ang isang award-winning host gaya ng nirerespeto naming si Kuya Boy Abunda (plus other smart hosts in Janice de Belen at Carmina Villaroel) na hindi magagawang kumustahin man lang ang pagkakasangkot ng magaling na aktor sa iskandalong pinag-uusapan ng marami.
Kaya nga mga tugang na Pete and Abe, sabay-sabay nating panoorin ang isa pang exciting na episode ng BUzz ng Bayan lalo pa’t marami na rin ang nakami-miss kay John Lloyd Cruz at sa mga bagay-bagay na kanyang pinagkaaabalahan sa ngayon.
Unless, unless nga ay ipakansela ang guesting ng aktor to avoid further confusion ayon na rin mismo sa nagsasabing mas mabuti nang manahimik kaysa magsalita pa kung lalala lang din ang lahat.
*****
ANO kaya kung sa show ni Ryzza Mae Dizon mag-guest ang alinman sa mga nasangkot sa iskandalo?
Naku, kyut na kyut sigurong lalabas knowing the aleng maliit’s gift of gab and her natural wit to simply ask questions kahit pa nga kontrobersyal ito. Hahahaha! Wish lang daw talaga namin o!
Anyway, kuwelang-kuwela ang career ngayon ng bagets dahil sa darating na MMFF ay bidang-bida na siya along with Vic Sotto, Bimby Yap and Kris Aquino sa My Little Bossings, kasama pa si Aiza Seguerra.
Nang makorner namin ang aleng maliit during the presscon of My Little Bossings, aliw na aliw ito sa pagbibida sa amin ng mga bagong develolment sa buhay niya. Sey niya, kung last year daw ay one of those lang siya sa MMFF, this year daw ay feel na niyang ‘bida’ siya.
“Kasi po ang dami kong ginawa sa movie at maraming beses rin akong nagbihis, saka mahahaba na ang mga lines ko,” ang inosenteng tsika pa ni Ryzza sa amin. OO nga naman, ‘di ba mga tugang? ‘Pag bida ka nga, eh, marami kang exposures at linya sa movie. Hahahaha!
Nang itanong namin dito kung malaki ba ang bayad sa kanya sa movie lalo pa’t bongga ang mga producer nito, aba’y proud nitong sinabi na, “Siguro po. Ang mama ko po kasi ang nakakaalam, eh. Pero sa palagay ko po, oo. Malaki po TF ko kasi sabi nila, konti na lang, pareho na kami ni Bossing (Vic Sotto).” Hahahahahhaha! Hayan ha? Si Ryzza nagsabi niyan.
The post Dedma para mamatay na raw ang isyu! appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment