Ipinamalas nina Belgian pro Anthony Devos at undisputed long distance triathlon queen ng bansa na si Monica Torres ang magaan na porma nang pagwagian nila ang inaugural Ilocos Heritage Tri 113 sa Ilocos Sur noong Linggo.
Inalpasan ng heavy favorite na si Devos si Mathieu O’Halloran, ang Canadian expatriate na tinanghal na kampeon sa Condon City at Narvacan (Ilocos) Triathlons sa taon na ito sa kapareho ring probinsiya, ng mahigit sa 200 meters patungo sa 90-km bike leg, matapos ang 1.9km swim, sa Santiago Cove kung saan ay mabilis nitong binaybay ang lugar.
Kahalintulad din bilang top bet sa women’s side, sinunggaban ni Torres, nagkampeon sa Narvacan Triathlon isang araw lamang ang nakalipas, ang inisyatibong 40-km mark sa cycling phase at hindi na ito lumingon pa sa mga kalaban.
Tumawid sa finish line si Devos sa Heritage Village matapos ang padyakan mula sa Condon City at anim na coastal towns at tumakbo sa half marathon (21.1km) sa kapaligiran ng Vigan City kung saan ay naitala nito ang 4 oras, 16 minuto at 31 segundo, tinapyas ang kanyang 4:19:59 clocking na naiposte nito noong Agosto sa Cebu.
Ang walang kapagurang si Torres ay naorasan naman ng 5:07:00, mas malayo mula sa kanyang personal best, kung saan sina Congressman Eric Singson, Gov. Ryan Singson, City Governments of Vigan at Candon Mayor Eva Marie Singson-Medina at Mayor Ericson Singson, ang tumayong mga major sponsors, ayon sa pagkakasunod.
Ang iba pang sponsors ay ang Pepsi Cola, Save More SM Market, Extreme Magic Sing, Santiago Cove Resort and Spa, Candon Hotel, Vigan Plaza Hotel at Luna Hotel.
Pumangalawa sa labanan si O’Halloran, gayundin ang kanyang girlfriend na si Joyette Jopson kung saan ay naorasan sila ng 4:21:52 at 5:24:18, ayon sa pagkakasunod. Umakyat din sa podium finishers si dating No. 1 national duathlete August Benedicto (4:25:13) at dating national triathlon champion LC Langit (5:43:57).
“When I saw Mathieu having trouble with his bike shoe in the early going of the cycle leg, I made my move and then steadily widened the gap. I knew he was a strong runner,” saad ni Devos, asawa ng Cebuana na si Carlen Tigue.
“I did not push myself that hard, as if to explain her “slow” time which could have been good for fifth spot overall,” pahayag naman ni Torres.
Ipinagkaloob nina Congressman Singson at Governor Singson ang P50,000 cash prize at ang tropeo na inukit ni National Artist Napoleon Abueva kina Devos at Torres.
Ang iba pang nagwagi ay sina: elite men- Kevin Eijansantos (4:52:35), 4th; Arland Macasieb, 5th; elite women- Sandi Menchi Abahan (5:59:59), 4th; age group (men): 18-24, Reggie Rubang (5:31:58); 25-29, Don Velasco (4:50:39); 30-34, Keith James Argonne (5:27:29); 35-39, Edison Morales (5:00:31), 40-44, Victor Martin Lorenzo (4:56:52); 45-49, JT Gonzales (5:27:16); 50-54, Romeo de Guzman (6:12:57); women: 35-44, Anna Liza Maraan (6:24:03); relay: Team Condon 1 (4:12:06), 1st; Lueco Tri Union 1 (4:12:52), 2nd; Team Narvacan 1 (4:13:01).
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment