Wednesday, December 4, 2013

Pirata sa Negros, pinabulaanan

BACOLOD CITY – Nilinaw ng mga operatiba ng Negros Occidental Police Provincial Office na walang katotohanan ang napaulat na may mga pirata na dumating sa Sagay City para maghasik ng krimen sa lalawigan.


Ayon sa report, sakay umano sa tatlong bangka ang mga pirata at namaril umano ng ilang residente.



Base sa imbestigasyon ng Sagay City Police, text message lang ang kumalat sa lungsod at wala itong katotohanan.


Ayon pa sa text message, galing umano sa Tacloban City, Leyte ang mga pirata at nakarating sa Sagay sa paglalayag. – Jun N. Aguirre


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pirata sa Negros, pinabulaanan


No comments:

Post a Comment