Wednesday, December 4, 2013

Sam Milby, bilib sa pag-ako ni Anne sa pagkakamali

Anne Curtis


HINDI halos makapagsalita ng diretso si Sam Milby sa sunud-sunod na tanong sa kanya ng entertainment press tungkol kay Anne Curtis pagkatapos ng Q and A sa presscon ng Kimmy Dora (Ang Kiyemeng Prequel) last Monday.


Tinanong muna ang aktor kung aware siya sa pananampal at pagsisisigaw ng ex-girlfriend niya sa party ng non-showbiz friend nito.

“Kanina lang,” pag-amin ni Sam, “kung ano ang nakalagay sa Internet, ‘yun ang nakita ko.”



Ano ang masasabi niya sa nangyari?


“Honestly, I don’t wanna give a comment. Wala ako du’n sa event. And, you know, all I know is what you guys know,” napangiting sagot niya.


Pero hindi nakuntento ang lahat sa sagot niya kaya’t kinulit uli siya.


“I don’t think it’s right for me to comment on the issue, kasi hindi naman ako kasali,” sabi ng binata.


Nag-worry ba siya para sa dati niyang girlfriend?


“Like I’ve said, I only heard it kanina. Ayoko nang mag-comment, eh, I’d rather not comment kasi, ‘yun nga, I know how showbiz is. If you make a comment, they may blow it out of proportion. So, for me, it’s better not to be part of it at all. I’d rather not comment,” paliwanag mabuti ni Sam.


Sadya bang mainitin ang ulo ni Anne kapag nakainom at posibleng makagawa ng bagay na hindi maganda at makapagsalita ng “I can buy you, I can buy your friends and I can buy this club”?


Natawa pero naiiling si Sam sa kakulitan ng press sabay sabing, “’Yung past namin, I wouldn’t want to share din. The things that we’ve been through, matagal na rin kami, but sa amin (na lang) ‘yun.


“I mean, whatever I experienced, whatever we experienced, that’s a long time ago naman. And sa amin ‘yun. I’d rather not share,” nakangiting pakiusap ng aktor.


Sumama na ba ang image ni Anne sa publiko dahil sa ginawa nito?


“Ako, hindi. I think, like I said, I think that, you know, she admitted her mistake. She’d done what she can ask for forgiveness. At ang daming nagmamahal sa kanya. She has many supporters, so many people that love her. And I think… yes, it would pass,” saad ng aktor.


Aminadong nagulat si Sam sa ginawa ng dating karelasyon. “Of course, yes… I was shocked.”


Anong advise ang maibibigay niya sa dating karelasyon?


“I don’t think I can give advice. You know, she’s been in this business even longer than me. Obviously, it’s something that would pass. With all the support that she has with all her friends, all her followers, I’m sure it’s something Anne will go through. And I admire her courage for admitting her fault din,” katwiran ng aktor.


Nabanggit ng aktor na silang mga artista ay dapat maging maingat sa lahat ng ginagawa niya lalo na sa harap ng publiko.


“You’re always aware naman. Siyempre, lalo na kapag maraming bata that are looking up to you. But, ‘yun nga, I think, there’s a lot of people that hold an image about you.


“And when you make a mistake, they are quick to judge. And people should remember that we’re all human and we make mistakes,” katwiran ng aktor.


Nag-iinuman din ba sila ni Anne noong panahong magkarelasyon pa sila?


Pero giit pa rin ng aktor, “Kung anuman ang past namin, that was a long time ago, four years ago. Parang hindi naman kailangang i-bring-up ang past namin. Whatever happened then, ‘yung mga personal na relationship namin, hindi naman kailangang i-share ngayon.”


Natawa ang aktor nang tanungin kung nakatikim na siya ng sampal ni Anne kapag nag-aaway sila.


“No, sa teleserye taping lang. Sa totoong buhay, hindi pa,” mabilis, nakangiting sagot ng binata.


Samantala, ang Kimmy Dora (Ang Kyemeng Prequel) na ang huling installment ng franchise at aminado rin ang bidang si Eugene Domingo na itong huli ang pinakamaganda.


Tinanong namin si Sam kung totoong nasarapan siya habang sinipsip niya ang hita ni Uge dahil ang aktres ay sarap na sarap at nagsabi pang, “Oo, naman! Masarap! Tinotoo kasi niya, eh!”


“Siyempre, in character ako. Oo, e,” pilyong sagot ng binata.


Posible bang magkagusto siya kay Eugene Domingo?


“Oo naman, bakit hindi? Ate Uge is so sweet at mabait siya, nakatatawa nga ako sa kanya,” sagot niya.


Eh, mukhang hindi mangyayari dahil mga tisay ang type ni Sam, di ba, Bossing DMB — tulad nina Anne Curtis, Shaina Magdayao at Jessy Mendiola. Ay, naligaw si Toni Gonzaga, “Eh, kasi funny naman siya kaya natuwa si Sam sa kanya,” singit ng taong malapit sa aktor. –Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Sam Milby, bilib sa pag-ako ni Anne sa pagkakamali


No comments:

Post a Comment