Umiskor ng 17 puntos si John Vic de Guzman, kabilang na rito ang 15 hits, upang pangunahan ang College of St. Benilde sa pagpapalasap sa San Beda College ng una nilang pagkabigo, 19-25,25-20,25-20,25-21, kahapon sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 89th NCAA volleyball tournament kahapon sa FilOil Flying V Arena sa San Juan City.
Bumalikwas ang Blazers mula sa pagkakaiwan sa first frame at winalis ang sumunod na tatlong sets upang makamit ang ikaapat nilang tagumpay sa limang laban.
Nag-ambag naman si Marjun Alingasa ng 13 puntos sa nasabing panalo ng Blazers na nagtabla sa kanila sa kanilang biktima sa ikalawang puwesto kasunod ng solong lider at defending champion University of Perpetual Help Altas (5-0) na taglay ang parehas na kartadang 4-1 (panalo-talo).
Una rito, nakamit naman ng San Beda Red Cubs ang unang panalo makaraan ang apat na laro pagkatapos pataubin ang CSB La Salle Greenhills, 25-12,25-5,25-16.
Lalo namang nabaon ang Greenies sa buntot ng team standings sa pagbagsak sa kanilang ikaapat na dikit na pagkabigo. – Marivic Awitan
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment