Thank you God for letting me see another day, I am truly blessed. For giving me another chance to give and experience love, for giving me the strength to keep going when I really want to do is give up, but always I know the power of prayer, faith and good intentions. Thank you for this good life and forgive us when sometimes we forget about You. Seeing all these homeless people in the rain makes me realized how blessed I am. Please bless us all. –09195800832
Magandang umaga po, Sir DMB. Nais sana naming humingi ng inyong atensiyon lalo na po sa ating Pangulong Noynoy Aquino. Ang asawa ko po kasi ay isang OFW sa Jeddah, Kingdom of Saudi Arabia. Nabiktima rin siya ng mapang-abusong Arabo, 9 na buwan siyang ‘di pinasahod, walang food allowance at binugbog din po siya. Mabuti na lang may nagmalasakit sa kanya, pinatakas siya sa amo niya. Andami ko na pong nilapitan para humingi ng tulong. Sa agency ng asawa ko, binastos lang po ako. Lumapit din ako sa OWWA Bicol at Manila, wala rin po nangyari. Lumapit din po ako sa T3 ng Tulfo brothers at kay Sen. Escudero, wala rin. Lumapit din po ako kay Susan Andes ng DZIQ at Philippine Daily Inquirer, na-interview din po ako nang live pero wala rin po nangyari. Simula nang crackdown sa Saudi last November 3, 2013 halos pa-one month na po wala pa ring nangyayari sa pagpapauwi na kanila. Nasa tent po ng Philippine Embassy nakapila ang asawa ko, ika-4,000 siya sa lista pero po ang nakakauwi pa lang sa kanila ay 60 persons pa lang. Pero ang report ng media, iba sa totoo nilang kalagayan. Kagabi po tumawag ang asawa ko, humihingi ng tulong, may namatay naman doon sa pila nila at may isang babae daw na may tatlong anak, nabaliw, kasi walang pagkain, tubig at napakainit at malamok. Tulungan n’yo po kami, maliit pa po ang anak ko, ang payat na ng asawa ko, hindi po niya ginusto na maging illegal alien doon, sobra lang po ang pang-aabuso ng amo niya. At ang kalakaran daw po sa Embsassy doon para maisyuhan sila ng exit visa pinapabayan sila ng 1,000 riyal. Wala pong pambayad ang asawa ko kaya hanggang ngayon wala pa siyang exit visa. Ang name po ng asawa ko, OFW Jesus Fresia Rosales, nasa Jeddah po siya. Nagpunta po siya roon noong Kanuary 21, 2011 at tumira siya sa embassy November 4, 2013. Ako po ang misis niya, nandito kami sa Bicol, Maria Cristina Fuga Rosales, Brgy. Poctol, Bulusan, Sorsogon City 4704. Maraming salamat po. God bless. –09305173480
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment