Sunday, December 1, 2013

Daniel at Kathryn, mananakot at magpapakilig sa ‘Pagpag’

KASABAY ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng Star Cinema, muli nitong makaka-partner ang Regal Films sa holiday season.


Pinagsama ng dalawang higanteng film companies ang hottest young stars sa bansa ngayon sa Pagpag, Siyam Na Buhay – ang biggest at scariest movie ng taon na pagbibidahan nina Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Paolo Avelino, Shaina Magdayao at Clarence Delgado kasama sina Matet de Leon, Dominic Roque, Miles Ocampo, CJ Navato, Michelle Vito, Janus del Prado, at Marvin Yap mula sa script ni Joel Mercado at sa direksyon ni Frasco Mortiz.



Ang subtitle ng pelikula na ‘Siyam Na Buhay’ ay kumakatawan sa siyam na pamahiin na kunektado sa kamatayan at burol na pinapaniwalaan at sinusunod ng maraming Pilipino.


May kasabihan na maaaring humantong sa labis na kamalasan ang mangyayari sa sino mang lalabag sa alin man sa siyam na pamahiing ito.


Ang mga paniniwalang ito ay kailangang magpagpag pagkatapos ng lamay; bawal magwalis sa burol; bawal magpatak ng luha sa ataul; bawal manalamin sa burol; bawal mag-uwi ng pagkain mula sa burol; bawal pumunta sa burol kapag may sugat; bawal punasan ang luha sa ataul; bawal nakawin ang abuloy sa burol at bawal maghatid sa mga nakilamay.


Sa Pagpag, kahindik-hindik na mga pangyayari ang magaganap sa di-inaasahang pagbisita nina Cedric (Daniel Padilla) at ng kanyang mga kaibigan sa isang burol na inayos ni Leni (Kathryn Bernardo). Ang bawat miyembro ng grupo ay lalabag sa mga pamahiin. Hindi namalayan nina Cedric at Leni na nag-uwi pala sila ng masama at mapaghiganting espiritu


Magtutulungan sina Cedric at Lani sa pag-asang matatalo nila ang mga kababalaghang na kanilang kinakalaban. Ngunit parami nang parami ang mga napapahamak at nawawalan na sila ng mga paraan upang iligtas ang kanilang pamilya at mga kaibigan.


Bukod sa spine-chilling scenes sa Pagpag, mayroon ding touch of humor at romance ang pelikula na tiyak na kakikiligan at kagigiliwan ng fans at ng buong pamilya lalo na’t sina Daniel at Kathryn ang bida, ang itinuturing na reigning teen royalty ng primetime television.


“Sobrang nakakatakot po ang Pagpag pero sa likod ng nakakakilabot na istorya nito ay ang mensahe na ang pagmamahal at pagsasakripisyo para pamilya ang pinakamalakas na puwersa sa lahat,” says Daniel.


Ayon kay Kathryn, bukod sa pagiging suspense-thriller, adventure movie rin ang Pagpag na tiyak na magugustuhan ng lahat.


“’Pinapakita po ng pelikula namin ang age-old conflict ng mabuti laban sa masama at napaka-exciting pong makita ang paglalakbay ng aming mga karakter. Makikita po natin kung magwawagi kami o hindi.”


Ipapalabas ang Pagpag, Siyam Na Buhay sa mga sinehan sa buong bansa simula sa darating na Disyembre 25. –Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Daniel at Kathryn, mananakot at magpapakilig sa ‘Pagpag’


No comments:

Post a Comment