Nakamit ng 14-anyos na si Alberto Lim Jr. ang bihirang pagkakataon na makalahok sa ika-102 edisyon ng prestihiyosong Australian Open na nakatakdang pumalo sa Melbourne Park sa Melbourne, Australia, simula 13 hanggang 26 ng Enero 2014
Sinabi ni Manny Tecson, coach ni Lim, na nagawang magkuwalipika ng multi-titled junior netter sa isa sa apat na torneo na kabilang sa kinikilala sa mundo bilang Grand Slam, base sa matataas nitong pagtatapos sa mga sinalihan nitong lokal at internasyonal na torneo.
“We are going first to compete in the Great A Orange Bowl World Championships sa Orange Country sa Florida where AJ Lim able to barge into the finals in the age category. And then, we will move on directly to compete na in the Australian Open,” sabi ni Tecson.
Si Lim ay kasalukuyan namang kasali sa isinasagawang PCA Open subalit sinabi ni Tecson na kanilang iwanan ang natitirang mga laban ng kanyang manlalaro dahil nakatakda itong umalis Miyerkules ng hapon, Disyembre 4, patungo sa Estados Unidos.
“Our purpose here is to give some tune-up match for AJ before we go on to compete in the much heavier games abroad,” sabi ni Tecson, na gigiyahan si Lim sa kauna-unahan nitong paglalaro sa Australian Open, ang unang Grand Slam na torneo para sa taon.
Paglalabanan sa ika-102nd edisyon ng Australian Open na tinatampukan ng mga professional player ang singles, doubles at mixed doubles play. Kasali dito ang singles at doubles sa wheelchair at junior na lalahukan ni Lim.
Samantala’y hindi namalas ang edad sa top seed na si Johnny Arcilla upang padapain si Mario Sabas, 6-0, 6-1, sa pagsisimula ng main draw ng men’s division ng 32nd Philippine Columbian Association (PCA) Open Sabado sa PCA covered courts sa Plaza Dilao, Paco, Maynila.
Pinaglaruan lamang ni Arcilla ang kaniyang unseeded na kalaban at tinapos ang laro sa loob lamang ng 45 minuto para samahan sa second round sina second rank Patrick John Tierro, No. 3 Elbert Anasta, fourth seed Marc Reyes No. 5 Rolando Ruel Jr., seventh rank Leander Lazaro at o. 8 Marc Anthony Alcoseba.
“Gusto ko ipakita na hindi pa ako matanda. Maganda ang confidence level ko kaya puwede pa ako manalo dito,” ani ng 33-anyos na si Arcilla na isa sa miyembro ng Philippine Davis Cup team.
“Ayaw ko din magpa-kumpiyansa at ang lahat ng malalakas ay nasa lower half ng draw. Suwerte lang ako at nasa upper half ako,” dagdag pa nito na nais masungkit ang kaniyang ikawalong titulo at ang P100,000 champions purse sa P600,000-event na siyang pinakamatagal sa bansa.
Tiniis naman ni Tierro and right ankle sprain na kaniyang natamo nung practice round nitong Biyernes ng hambalusin si Fritz Verdad, 6-2, 6-1.
“Medyo nag aalangan at takot ako tumakbo nuong una dahil sa sprain ko at may kaunting sakit pa. Dala na lang ng adrenalin siguro kaya nanalo,” ani Tierro. “Mabuti na lang at Martes pa next game kaya may time para magpahinga. Mabigat pa naman ang nasa draw ko at halos anduon ang mga malalakas. Lahat nag prepare para dito kaya hindi puwede mag relax.” (Angie Oredo)
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment