Friday, December 20, 2013

DALANGIN NG PANGULO AT DROGA SA PANGARAP (2)

burdado-jun-briones2 MAPALAD si Bea Rose Santiago!


Dahil binigyan siya ng Diyos ng talino at ganda na naging puhunan niya upang manalo noong isang araw bilang 2013 Miss International sa ginanap na beauty contest sa Tokyo, Japan.


Ikalawa at higit sa lahat, personal siyang ipinagdasal ni Pangulong Benigno Simeon Cojuangco Aquino III na sana ay magwagi sa nasabing kompetisyon!


Si Pangulong Aquino, parekoy, ay kilala rin sa tawag na PNoy o Noynoy. Subalit binabansagan din siya ng marami na ABNOY! Whatever! Ang mahalaga, marunong siyang magdasal! Posible rin na siya ang pinakinggan daw ng Diyos kaya nanalo si

Bea!


Sandali, parekoy, madasalin naman pala itong si PNoy o Noynoy o Abnoy (whatever!) eh, ipinagdasal din kaya niya ang libo-libong biktima ni Yolanda? Ipinagdasal din kaya niya ang 18 pasahero ng bus na namatay sa aksidente noong nakaraang linggo? Ahhh, marahil ay ipinagdarasal din niya na hindi na muling madali ng “martilyo gang” ang SM ni Henry Sy!


Teka muna, kung ang dasal ni PNoy ay pinakikinggan ng Diyos kaya nga nanalo si Bea, isa lang ang ibig sabihin, parekoy, kung bakit napakaraming namatay sa baha sa Cagayan de Oro City, sa giyera sa Zamboanga, sa lindol sa Bohol at ni bagyong Yolanda!


Hindi ipinagdarasal ng Pangulo ang bansa at sambayanang Filipino! Mabuti pa si Bea!


-o0o-

PALAGI umanong kinakabahan ang mga residente ng Pangarap Village sa Caloocan dahil anomang oras ay posibleng dumanak ang dugo sa kanilang lugar.

Ngunit, hindi gaya ng mararahas na demolisyon noon sa Araneta, kakaibang gulo ang inaantabayanan ngayon ng mga takot na residente kundi ang iringan nina SP01 Escalona at “Ely demonyo” na anak ng dating kapitan. Ang dahilan? Nag-aagawan ang dalawa kung sino ang kikilalaning “supremo” ng iligal na droga sa nasabing lugar.


Medyo nakalalamang daw itong pulis ni Col. Norberto Babagay ng QCPD station 4 dahil lehitimo ang pagdadala niya ng baril. Ngunit may dapat din siyang ipag-alala, parekoy, kasi nga, eh, demonyo itong si Ely.


At ilang taon din nitong pinausli sa loob ng Bilibid ang kanyang sungay! Sige, magpatayan kayo sa droga na mga animal kayo! Hak, hak, hak!

Pakitiyakin lang Caloocan COP S/Supt. Bernard Tambaoan na walang sibilyan na madadamay! Oppps, malapit lang d’yan ‘yung naganap na encounter ng drug lords at NBI kamakailan, ah!


Inutil ka nga ba talaga, Col. Tambaoan?

Hehehe, makipagdayalogo ka muna sa hepe ni SP01 Escalona na si Col. Babagay, malay mo lang!


The post DALANGIN NG PANGULO AT DROGA SA PANGARAP (2) appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



DALANGIN NG PANGULO AT DROGA SA PANGARAP (2)


No comments:

Post a Comment