Friday, December 20, 2013

Pangasinan, nakaalerto sa CPP-NPA

LINGAYEN, Pangasinan– Tiniyak ng tagapagsalita ng Pangasinan Provincial Police Office na si Supt. Ryan Manongdo na inalerto na ang lahat ng istasyon ng pulisya sa buong probinsiya laban sa posibleng pananamantala ng mga kasapi ng CPP-NPA bago ang kanilang anibersaryo sa Disyembre 26.



Sa panayam ng Balita kay Manongdo, sinabi niya na nagpakalat na rin sila ng impormasyon sa nasasakupan ng lalawigan na maging mapagmatyag sa paligid at agad na i-report sa PNP kung may mga kakaibang kilos ang mga tao.


Sinabi ni Manongdo na ilang taon na rin ang nakalilipas at wala naman naiuulat na sightings ng NPA sa Pangasinan ngunit kasama pa rin sa kanilang mahigpit na binabantayan ang mga bayan ng Mangatarem, Infanta, San Nicolas at Natividad na dating pinamumugaran ng mga rebelde. – Liezle Basa Inigo


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Pangasinan, nakaalerto sa CPP-NPA


No comments:

Post a Comment