BEIJING (AFP) – Pormal na inaprubahan kahapon ng pangunahing legislative committee ng China ang pagpapaluwag sa kontrobersiyal na one-child policy ng bansa at in-abolish na ang “re-education through labour” camps, ayon sa state media.
Ito ang napagdesisyunan sa talakayan ng standing committee ng National People’s Congress, ang rubber-stamp parliament ng China, sa pagtatapos ng anim na araw na pulong, ayon sa Xinhua news agency.
Sa pagrereporma sa one-child policy, pahihintulutan ang mga magasawa, na ang sinuman sa pareha ay walang kapatid, na magkaroon ng dalawang anak, pinaluwag ang istriktong polisiya sa family planning na ipinatutupad mahigit tatlong dekada na ang nakalilipas upang mapigilan ang overpopulation sa China.
Iniulat naman ng Xinhua na sa abolition ng re-education sa mga labor camp, o tinatawag na “laojiao”, ay mapapalaya ang maraming bilanggo.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment