Saturday, December 28, 2013

Express train, nagliyab; 23 patay

NEW DELHI (AP) – Nasunog ang dalawang coach ng isang express train sa katimugang India kahapon, na ikinasawi ng may 23 pasahero, karamihan ay na-trap at na-suffocate nang hindi bumukas ang pintuan ng tren, ayon sa mga opisyal.


Sa pagliliyab ng dalawang coach ng tren, na binalot ng makapal na itim na usok bandang 3:45 ng umaga, tarantang binasag ng mga pasahero ang mga salaming bintana at marami ang nakaligtas sa pagtalon mula sa tren.



Ayon sa tagapagsalita ng railways na si C.S. Gupta, 67 pasahero ang nasa dalawang coach nang magliyab ito may dalawang kilometro mula sa maliit na bayan ng Puttaparthi sa Andhra Pradesh state.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Express train, nagliyab; 23 patay


No comments:

Post a Comment