Isinumpa o nagkataon lang?
Ito ang katanungan na hinahanapan ng kasagutan ng ilan, matapos maganap ang dalawang aksidente sa magkasunod na araw na kinasasangkutan ng truck sa iisang lugar na ikinasawi ng pitong katao ang ikinasugat ng walong iba pa isa Nasugbu, Batangas noong Biyernes at kahapon.
Unang naganap ang pagsalpok ng isang 18-wheeler truck sa limang sasakyan sa National Highway sa Sitio Bayabasan, Barangay Aga, dakong 4:00 ng hapon noong Biyernes.
Sa naturang insidente ay apat ang nasawi.
Sinabi Supt. Marlo Turina, hepe ng Nasugbu Police Station, pababa na ang truck mula Tagaytay nang mawalan ito ng kontrol at salpukin ang mga sasakyan sa National Highway ng Barangay Aga, na ikinasawi ng apat katao.
Sa inisyal ng imbestigasyon ng pulisya 3 sa apat ang kinilalang sina Christopher De Laun, driver ng truck at ang pahinante nitong si Charlie Fermin at Seredonio Casilig na nakasakay sa Toyota Grandia.
Dalawang biktima pa ang naipit sa kanilang mga sasakyan dahil sa sa pagsalpok ng truck.
Kabilang sa mga sinalpok nitong sasakyan ang isang Toyota Hi-Ace Grandia (VFH-386), Ford Expedition (UGQ-772), Ford Ranger (POI-518), isang dump truck (REP-528), closed van, at isang tricycle.
Matapos ang 13 oras nang maganap ang isa pang aksidente nang salpukin ng 16-wheeler truck (RNB-881), ang poste ng kuryente na ikinamatay ng tatlong sakay nito.
Ang pagsalpok ng truck sa naturang lugar ay naganap dakong 3:00 ng madaling araw kahapon.
Kinilala ng pulisya ang mga namatay sina Rowel Santos, driver, at Alvino Gulila at LJ Gulila, mga hepler na kapwa taga-Porac, Pampanga. – Fer Taboy
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment