Ikinalungkot ng Malacañang ang pagkamatay ng Hollywood actor na si Paul Walker sa isang car accident sa Los Angeles, California, USA.
Si Walker, na naging bida sa patok na pelikulang “Fast and the Furious,” ay patungo sa isang car show, na ang bahagi ng kikitain ay ilalaan sa relief efforts para sa mga biktima ng bagyong ‘Yolanda’ sa Visayas, nang mangyari ang aksidente.
“We mourn the death of actor Paul Walker while in California where he raised funds for Filipinos who suffered much in the aftermath of typhoon Yolanda’s onslaught,” sabi ni Presidential Communications Operations Secretary Herminio Coloma Jr.
Sinabi pa ni Coloma na hinahangan ng mga Pinoy si Walker hindi lang sa kanyang talento sa pag-arte ngunit maging sa kanyang malaking puso sa pagtulong sa mga biktima ng kalamidad sa Pilipinas.
Kamakailan ay lumabas si Walker kasama ang ibang cast ng “Fast and the Furious” sa isang video upang mangalap ng tulong para sa mga biktima ng bagyong Yolanda.
Noong Mayo, dumating sa Pilipinas ang Amerikanong aktor na si Vin Diesel, na kasama rin ni Walker sa “Fast and the Furious,” sa Pilipinas upang i-promote ang kanyang pelikula. – Genalyn D. Kabiling
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment