Tuesday, December 17, 2013

Iringan ng Supreme Court at Kongreso lumalala

LALONG tumitindi ang iringan ng Korte Suprema at Kongreso.


Kaninang umaga sa isang press conference ay sinabi ni House Majority Leader Neptali Gonzales II na panahon na upang repasuhin ang Presidential Decree 1949 na lumikha sa Judiciary Development Fund (JDF).


“Ang usap-usapan lang diyan, hindi naman sa gustong bumawi lang, because kung ang hinahanap ngayon even the Supreme Court is transparency then hindi kailangang lumabas ang Supreme Court sa labas ng bakod niya. Iyong bakod niya rin ayusin niya, huwag lang iyong bakod ng iba ang ayusin niya,’ ayon kay Gonzales.


Hanggang ngayon ayon sa kongresista ay hindi ibinubunyag ng SC kung magkano ang JDF nito na katumbas ng pork barrel ng mga mambabatas kahit taun-taon sa pagtalakay ng pambansang budget.


“It is also time na ma-revisit ang JDF so that ang accountability, ang transparency does not refer only to the executive, does not refer only to the legislature but iyong sariling bakuran din ng Judiciary,” giit pa ni Gonzales.


Inihayag din ni Gonzales na pagpasok ng 2014 ay pagtutuunan ng pansin ng mga kongresista ang “oversight function” ng Kongreso matapos mahubaran ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel.


Hindi rin napigilan ng mambabatas na punahin ang pagtanggi ng Supreme Court na ito ay ma-edit ng Commission on Audit.


“Kung minsan sasabihin ng Supreme Court na sila ang nagi-interpret ng batas. Sila ang nagsasabi na hindi sila pwedeng i-audit ng COA.”


Nauna rito ay nagdesisyon ang Korte Suprema na iligal at unconstitutional and PDAF.


The post Iringan ng Supreme Court at Kongreso lumalala appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



Iringan ng Supreme Court at Kongreso lumalala


No comments:

Post a Comment